Kinabukasan nang makatanggap si Mirko ng tawag mula sa Monte Alba Hospital kung saan ipinapabatid na kailangan nang operahan si Inay. Kaya naman ay para akong nawala sa huwisyo. Iyong kakiligan ko kagabi ay biglang naglaho, tumatambol ngayon ang puso ko sa pinagsamang kaba at takot. Nagpasya si Mirko na si Manong na lang ang maghatid kay Mikaela sa school nito. Halos hindi rin malaman ni Mirko kung ano ang gagawin, kung tama bang sasamahan niya ako o kung papasok pa siya sa trabaho. "Ihatid mo na lang siguro ako sa Hospital, Mirko," tuliro kong sambit habang wala pa rin sa sarili. Naroon na kami sa basement ng A&D Tower, nauna nang umalis ang van na sinasakyan nina Manong at Mikaela. Samantala ay naiwan pa kami roon ni Mirko. Sa kawalan ng ulirat ay nagulat na lang ako nang hilain ako

