Kinaumagahan ay nagtungo ang tatlo sa mundo ng mga mortal para makausap si Elle.
Nang makarating sila sa lugar kung saan nawala ang singsing ay nakita nila si Elle na naghihintay doon. Nilapitan nila ito at kinausap.
"Magandang araw, kumusta kana?" Nakangiting tanong ni Prinsesa Cassiopeia.
"Ayos lang ako tulad ng dati madami akong trabaho." Sabi ni Elle.
"Saan ka ba nakatira?" Tanong ni Diyosa Lyra.
"Ako ay nakatira sa hindi kalayuan mula rito." Sagot ni Elle.
"Maari bang malaman kung saan ito matatagpuan?" Tanong ni Diyosa Phoenix.
"Sundan niyo ako at tutungo tayo sa aming tahanan." Sagot ni Elle.
Nagtungo sila sa tahanan nila Elle.
Sa kanilang paglalakad napansin ni Elle na tila ngayon lang nakapunta sila Lyra, Phoenix, at Cassiopeia sa mundo ng mga tao. Kaya nagtanong siya sa mga ito.
"Maari bang malaman kung saan kayo nakatira?"
"Sasabihin namin ito sa'yo kapag nakilala kana namin ng lubusan." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Nagtataka si Elle sa sinabi ni Prinsesa Cassiopeia ngunit hindi na niya ito pinansin at naghintay siya sa tamang panahon kung kailan maari na nila itong sabihin.
"Malapit na tayo sa aming tahanan."
"Malayo pa ba ang ating lalakarin bago tayo makarating?" Tanong ni Diyosa Phoenix
"Malapit na, ang nakikita ninyong malaking bahay na may asul na bubong ay ang aming bahay." Sagot ni Elle.
Namangha ang mga diyosa at ang prinsesa sa mga tahanan at sa mga bagay na kanilang nakita sa Earth.
"Ito ang aming tahanan pasok kayo."
Masayang pumasok ang tatlo sa tahanan nila Elle.
"Wala ang aking mga magulang dahil sila ay nasa trabaho ang aking kuya naman ay pumupunta sa tahanan ng kanyang mga kaibigan kaya ako ang naiiwan dito upang maglinis at alagaan ang maliit kong kapatid." Paliwanag ni Elle.
"Paumanhin pero marami pa akong trabahong kailangang gawin kaya kung maari sana ay maupo muna kayo rito." Sabi pa ni Elle.
Nagtungo sa kusina si Elle at kumuha ng tubig saka nito ibinigay sa tatlo.
Pagkatapos ay nagsimula na itong magtrabaho, naghugas siya ng mga plato saka nagwalis.
"Ano yang ginagawa mo?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia kay Elle.
"Ang tawag dito ay paghuhugas ng mga plato, bakit hindi ka ba naghuhugas?" Tanong ni Elle.
"Paano ba maghugas ng plato?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia.
Tinuruan ni Elle si Prinsesa Cassiopeia kung paano maghugas ng plato.
Nang makita ni Prinsesa Cassiopeia kung paano maghugas ng pinggan ay kaagad nitong sinabi kay Elle na nais niya itong subukan.
Sa pagkakataong iyon ay nalaman ni Prinsesa Cassiopeia kung gaano kahirap ang ginagawa ni Elle.
Basa na ang kanyang damit dahil tumalsik ang tubig sa kanyang katawan at hindi niya matanggal ang mga nakadikit na pagkain sa plato.
Nakatitig si Elle sa prinsesa at nakita niyang nahihirapan si Prinsesa Cassiopeia kaya tinulungan niya ito.
"Ganito ang tamang paghuhugas." Sabi ni Elle at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Prinsesa Cassiopeia saka niya ito sinabayan sa paghuhugas.
Napatingin si Prinsesa Cassiopeia kay Elle habang hawak nito ang kanyang kamay.
Mabilis namang natutu si Prinsesa Cassiopeia.
Samantalang ang dalawang diyosa ay masayang nag-uusap habang pinapanood nila sina Elle at Prinsesa Cassiopeia.
Pagkatapos ay nagwalis sina Elle at Prinsesa Cassiopeia.
Hindi alam ni Prinsesa Cassiopeia kung paano magwalis kaya tinulungan siya ni Elle.
Niyakap ni Elle si Prinsesa Cassiopeia at hinawakan nito ang dalawa nitong kamay na nakahawak sa walis at dustpan.
Pagkatapos nilang maglinis ay umopo silang lahat sa upuan kung saan maymalawak itong mesa at tawa ng tawa ang dalawang diyosa habang tahimik namang nagtitinginan si Elle at Prinsesa Cassiopeia.
Naghanda si Elle ng makakain nila at nag salu-salo silang kumain.
"Nais naming makita ang mga nakalagay sa mundong ito, kung maari sana ay samahan mo kami bukas sa pamamasyal." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Sige, kung yan ang gusto mo sasamahan ko kayo." Sabi ni Elle.
"Simula ngaun magiging magkaibigan na tayong lahat." Sabi ni Diyosa Lyra.
"Kung maari sana ay sabihin ninyo sa akin kung saan kayo nakatira at ano ba ang kuwento ng buhay ninyo?" Sabi ni Elle.
"Sasabihin namin sa iyo bukas habang tayo ay namamasyal." Sabi ng tatlo.
Nagtataka parin si Elle kung saan ba nanggaling ang tatlo, Dahil hindi nila alam mag hugas at magwalis, tila walang kaalam alam ang tatlo sa kung ano ang nasa paligid nila.
Pagkatapos ng kanilang pag sa'salo at pag-uusap ay nagpaalam na sila kay Elle.
"Paalam, maraming salamat at pinatuloy mo kami ng maayos sa inyong tahanan." Sabi ni Diyosa Phoenix.
"Babalik kami bukas rito, kung ayos lang sayo." Sabi ni Diyosa Lyra.
"Ayos lang sa akin, paalam mag iingat kayo sa inyong paglalakad." Sabi ni Elle.
Nagtungo na sila sa kalawakan habang si Prinsesa Cassiopeia ay tahimik parin at si Elle ay patuloy parin sa pagtitig kay Prinsesa Cassiopeia.
Pagkarating nila sa kalawakan ay agad na nagpaalam ang dalawang diyosa kay Prinsesa Cassiopeia at napag-usapan nila na muli silang magkikita bukas ng maaga sa palasyo ni Prinsesa Cassiopeia.
Pagkatapos nilang mag-usap ay binigyang kulay ni Prinsesa Cassiopeia ang mga bituin sa kalawakan at nagtungo ulit ito sa taas ng kanyang palasyo pinagmamasdan niya ang mga bituin sa kalangitan at sa hindi kalayuan ay matatanaw niya ang mundo ng mga mortal.
Kinakausap niya ang kanyang sarili.
"Si Elle ay mabuting kaibigan talagang may mabuti siyang puso. Ano kaya kung sasabihin na namin sa kanya ang totoong pagkatao namin. Mukha naman siyang mapag kakatiwalaan, pero pag sinabi sa kanya ang totoo. Baka ipagkalat niya ito sa lahat ng mga immortal at maaaring malaman ito ng mga lalaking immortal na nasa Earth siguradong mapapahamak na naman kami at pag nalaman ito ng aking ama hindi na niya ako mapapatawad."
Naguguluhan si Prinsesa Cassiopeia kung sasabihin niya ba ang totoo kay Elle or hindi. Malalim na ang gabi pero gising parin si Prinsesa Cassiopeia.
Ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap sa kanyang sarili.
"Talagang napakaganda ng mga bituin hindi sila nakakasawang tignan ano naman kaya ang hugis at kulay ng mga bituin sa mundo ng mga tao?"
"Siguro hindi katulad ng nakikita ko dito sa aking kaharian. Ang mga tao ay gumagamit ng mga bagay o gamit para makapag trabaho at kaming mga immortal ay gumagamit ng kapangyarihan. Pero ang mga tao ay malaya samantalang kaming mga immortal ay hindi malaya."
"Sa tingin ko kailangan ko ng matulog, pero hindi ako makatulog sa kaiisip kung sasabihin ba namin kay Elle ang totoo or hindi. Sa tingin ko mabuti naman siyang tao."
Kinakausap ni Prinsesa Cassiopeia ang kanyang sarili, habang si Elle sa mundo ng mga tao ay nag-iisip din kung ano at saan nakatira ang tatlo dahil parang wala silang nalalaman sa mga gawain at kagamitan sa mundo ng mga tao.
Hanggang sa nakatulog na si Prinsesa Cassiopeia ng hindi niya namamalayan at ganoon din si Elle.