"Paumanhin nagkamali ako ng sinabi." Pagsisinungaling ni Prinsesa Cassiopeia.
"Aasahan ko na magagawa ninyo ito ng tama." Sabi pa ni Prinsesa Cassiopeia.
"Makakaasa kayo mahal naming Prinsesa Cassiopeia"
"Maraming salamat." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
"Ngayong tapos na tayong mag usap ay sasamahan kitang mamasyal dito sa loob ng aking palasyo kung iyong nanaisin." Sabi ni Reyna Aldresa.
"Kung maari sana." Sagot ni Prinsesa Cassiopeia.
Nagtungo ang dalawa sa pagawaan ng mga potion at gamot. Ipinaliwanag ni Reyna Aldresa kung ano ang gamit ng mga ito.
"Ang tawag rito ay zhicura at ito ay ginagamit sa paghahalo ng mahika sa bawat kulay...."
Hindi pa tapos si Reyna Aldresa sa pag papaliwanag ay nagtanong na si Prinsesa Cassiopeia.
"Saan nanggagaling ang ibat-ibang kulay na ginagawa ninyong potion at gamot?"
"Ito ay galing sa mga katas ng ibat-ibang kulay ng bulaklak na galing pa sa malayo na bahagi ng mahiwagang kagubatan. Tanging mga Buetrez lang ang nakaka alam kung saan ito matatagpuan at isa ito sa mga sekreto ng lahat ng mga naninirahan rito sa Quertanya na aking kaharian. Hindi ito maaaring malaman ng sino mang hindi nabibilang sa amin na Buetrez kung tawagin." Sagot ni Reyna Aldresa.
Namangha si Prinsesa Cassiopeia sa kanyang nalaman at nais niyang malaman ang sekreto ng mga Buetrez.
Buetrez ang tawag sa mga immortal na nakatira sa Quertanya.
Nagpatuloy si Reyna Aldresa sa pagsasalita.
"Ang nakikita mo sa iyong harapan na isang malawak na balon. Denrial ang tawag sa balon na ito at dito pinagsasama ang mga gagawin naming potion at gamot."
"Napakaganda talaga ng mga kagamitan na ginagamit ninyo sa paggawa ng potion at gamot." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
"Tama ka, kailangan ng magandang hulmaam upang makagawa ng perpektong potion at gamot. Kaya pinag-isipan naming mabuti ang mga gamit na aming gagamitin para rito." Sagot ni Reyna Aldresa.
"Pagkatapos na magawa ang mga potion at gamot ay agad namin itong inilalagay sa isang maliit na bote. Ang mga bote na ito ay may nakalagay na sulat sa gilid nito. Nakasulat rito ang mga dapat gawin at kung paano ito gamitin, upang tumalab ang gamot o potion sa kanila." Paliwanag ni Reyna Aldresa habang tahimik lang at nakikinig sa kanya si Prinsesa Cassiopeia.
Tumagal ang pag-uusap ng dalawa at halos malibot na nila ang buong palasyo.
"Sa bahaging ito matatagpuan mo ang imbakan ng mga potion at gamot."
"Ang mga manggagawa namin dito ay may angking kapangyarihan. Ang iba ay nakakalipad, lumulutang, at meron ding hindi nakikita, tanging ang kasuotan lamang nito ang nakikita at ang iba pa ay may kakayahang maglaho at saka lilitaw sa ibang lugar. Lahat ng mga manggagawa dito ay masipag at matalino." Sabi ni Reyna Aldresa.
"Binabati ko ang iyong mga manggagawa dahil halata sa kanilang galaw na talagang masipag ang mga ito at makapangyarihan." Masayang sinabi ni Princess Cassiopeia.
Pagkatapos ng matagal na pag-uusap ng dalawa ay nagpaalam na si Prinsesa Cassiopeia kay Reyna Aldresa.
"Maraming salamat dahil pinatuloy ninyo ako sa inyong kaharian. Inaasahan kong magagawa ninyo ng maayos ang palamuting ipinapagawa ko." Pagpapaalam ni Prinsesa Cassiopeia ka Reyna Aldresa at saka ito umalis.
"Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay." Sabi ni Reyna Aldresa.
Lumabas si Prinsesa Cassiopeia sa kaharian ng Quertanya at pagkatapos ay lumapit ito kay Mequervax. Saka nagtungo ang dalaawa sa kalawakan.
Sinabi ni Prinsesa Cassiopeia kay Mequervax ang lahat ng kanyang nalaman mula kay Reyna Aldresa.
"May sinabing lugar sa akin si Reyna Aldresa. Ito ay isang lugar kung saan nila kinukuha ang lahat ng mga ginagawa nilang potion at gamot. Isang lihim na lugar at ito raw ay matatagpuan sa mahiwagang kagubatan. Tanging ang mga nakatira lamang sa Quertanya ang nakakaalam. Nais kong malaman kung saan ito matatagpuan."
"Ikaw Mequervax alam mo ba kung ano ang lugar na tinutukoy ni Reyna Aldresa?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia matapos nitong ibahagi ang pinag-usapan nila ni Reyna Aldresa.
"Matatagpuan sa mahiwagang kagubatan?"
"Kung ito nga ay matatagpuan sa lugar na iyon siguradong hindi ko alam dahil ang kagubatan na iyon ay may taglay na kakaibang mahika. Lagi akong pumupunta sa lugar na iyon pero hanggang ngaun hindi ko parin alam kung saan patungo ang lahat ng mga daanan sa lugar na iyon. Sa tingin ko ay habang dumadaan ang panahon nagbabago din ang anyo ng mahiwagang kagubatan." Sagot ni Mequervax habang nakakunot ang noo nito.
"Tama ka tanging mga Buetrez lang ang nakakaalam kung ano nga ba ang tinatagong lihim ng mahiwagang kagubatan na iyon." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Nang makarating sila sa kalawakan ay binigyang kulay ni Prinsesa Cassiopeia ang kanyang kaharian.
Pagkatapos ay nagtumungo si Prinsesa Cassiopeia sa taas ng kanyang palasyo upang tanawin ang kaharian ng mga mortal.
"Bukas ay tutungo ako sa Earth upang dalawin si Elle Guevarracx." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia sa kanyang sarili.
Kinabukasan ay gumising si Prinsesa Cassiopeia ng maaga upang magtungo sa kaharian ng mga mortal. kasama niya ang dalawang diyosa na si Diyosa Lyra at Diyosa Phoenix.
"Matatagpuan ba natin si Elle kaagad?" Tanong ni Diyosa Lyra.
Sumagot si Prinsesa Cassiopeia, "Oo, sa tingin ko."
"Malawak ang kaharian ng mga mortal kaya baka hindi natin siya makikita kaagad." Sagot ni Diyosa Phoenix.
"Malapit na tayo sa mga Juertx sa pintuan. Sa tingin niyo ba papayag sila?" Diyosa Lyra.
"Oo naman at bakit hindi?" Sagot ni Diyosa Phoenix.
"May mahalaga kaming gagawin sa kaharian ng mga tao." Prinsesa Cassiopeia.
"Sinabi sa amin ng iyong amang si Haring Cepheus na payagan namin kayong makapasok sa mundo ng mga mortal ngunit hindi maaring makipag-usap sa mga tao si Prinsesa Cassiopeia." Juertx.
"Masusunod ang utos ni Haring Cepheus." Sagot ng dalawang Diyosa.
"Huwag kang mag-alala aalagaan namin ang mahal naming Prinsesa Cassiopeia." Dagdag pa ni Diyosa Lyra.
Nakapasok nga ang tatlo sa kaharian ng mga mortal at hinanap nila si Elle Guevarracx.
Hindi alam ng Juertx na lalabag sa utos si Prinsesa Cassiopeia.
"Hanapin natin si Elle sa lugar kung saan natin siya nakausap dati. Ang sabi niya sa akin ay sa kanyang pag-uwi ay dumadaan siya sa lugar na iyon." Sabi ni Diyosa Lyra.
"Tama ka Diyosa Lyra naalala ko ang kanyang sinabi." Sabi ni Diyosa Phoenix.
"Tumungo tayo doon at saka tayo maghintay. Baka sakaling makita natin si Elle sa lugar na iyon." Sabi ni Prinsesa Cassiopeia.
Nagtungo nga ang tatlo sa nasabing lugar kung saan nila naka usap si Elle Guevarracx. Naghintay sila doon at umaasa sila na sana ay dumaan si Elle sa lugar na iyon.
Dumaan ang maraming oras hanggang sa malapit nang lumubog ang araw ngunit hindi parin dumadaan si Elle.
Naghintay pa sila ng kaunting oras at may napadaan na isang bata nagtanong sila rito.
"Ang pangalan ko ay Cassiopeia, maari bang malaman kung may kilala kang Elle Guevarracx ang pangalan?" Tanong ni Prinsesa Cassiopeia.
"Ang babaeng hinahanap ninyo ay kapit bahay namin." Sagot ng bata.
"Ako naman si Lyra kung maari sana ay sabihin mo kay Elle na pumunta siya sa lugar na ito bukas ng maaga, dahil may mahalagang sasabihin sina Cassiopeia, Lyra, at Phoenix." Sabi ni Diyosa Lyra sa bata at sumagot ito ng.....
"Opo"
Ako naman si Phoenix kung maari sana ay sabihin mo ito sa kanya kaagad. Mahalaga ang sasabihin namin sa kanya."
"Makakaasa po kayong makarating ang inyong mensahe sa kanya." Sabi ng bata.
"Maraming salamat." Prinsesa Cassiopeia.
Pagkatapos nilang makausap ang bata ay bumalik sila sa kalawakan.