Chapter 45

2021 Words

Isang mahigpit na yakap ang binigay sa kanya ng ina. Sumasakit ang dibdib niya sa pagpipigil na huwag humagulgol nang iyak. Gusto niya munang mag usap sila bago siya umiyak. Masakit sa dibdib. Parang ayaw ng mundo na sumaya siya. Bakit kailangan may mag buhay na kapalit para lang sa gusto niyang kaligayahan. Bakit may iba naman na mas masama sa kanya pero biniyayaan ng buhay na masaya. Bakit siya na isa lang ang gusto ay parang ang hirap pang mangyari. Siguro hindi niya lang naisip o inisip pero marami talaga siyang kasalanan kaya ganito na lang kalupit ang tadhana sa kanya. "Sshh. Magiging okay rin ang lahat, anak... Magpakatatag ka muna sa ngayon. Tatagan mo lang lalo, okay? Nandito lang ako lagi sa likod mo. Kahit anong gusto mong gawin, sabihin mo lang. Nakasuporta lang akong lagi. S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD