Sa isang farm kung saan nakatayo ang bahay ni Tita Olivia kami tumuloy. May farm si Tita na syang negosyo nya rito sa amerika. Napakalamig ng klima, maaliwalas ang paligid, masarap na simoy ng hangin, at may mga baka na syang layo-layo ang pagitan habang kumakain ng damo.
Isang antique house ang bahay Tita at may antique sya sa taas. Nakatanaw ako rito sa bintana habang narito ngayon sa antique. Dito ang room ko ngayon at mas gusto ko dito dahil tanaw ko ang buong lupain kung saan kita ang ilang kabayo, baka, at mga tupa.
Nagkulong lamang ako rito dahil hindi ko mapigilan na maiyak parati kapag naiisip ko si Dante na ngayon ay malayo na kami sa isa't-isa. Alam ko na dapat ay hindi ako lumayo dahil nangako ako. Pero naisip ko na para sa kanya rin iyon para bumalik sya sa dating work nya at magampanan nya ang batas na prinsipyo nya na hindi na mababali ng dahil sa akin.
Napapunas ako ng luha ng may kumatok. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa madulas at kahoy na sahig. Lumapit ako sa pinto at pagbukas ay bumungad si Papa.
"Tara na, Anak. Kakain na."
Tumango ako. Sinara ko ang pinto at tahimik akong sumama kay Papa pababa.
"Anna, patawarin mo ako kung nagkasala si Papa sa batas at sa 'yo."
"Wala na po iyon, Papa. Kalimutan na po natin at magsimula nalang po tayo ng panibagong pamumuhay."
Inakbayan nya ako at tumango sya. Yumakap ako sa bewang ni Papa.
Pagdating sa kusina ay nakita ko si Tita na nakaupo at hinihintay kami. Naupo na kami ni Papa.
"Anna, tutal ay hindi pa naman malaki ang tiyan mo. Kailangan mo ring tumulong rito sa farm nang sa ganun ay mas mabilis ang paglabas natin ng mga produktong ibebenta natin sa merkado."
"Olivia, kita mong buntis ang anak ko. Masama sa kalagayan nya ang mag trabaho. Ako nalang. Kaya ko pa naman." singit ni Papa.
"Kuya, kinupkop ko na kayo at hindi pwedeng ako lang ang kikilos para mapakain kayo. Kung hindi ka sana gumawa ng illegal edi sana hindi kayo nakikisiksik rito."
Napakuyom ako ng kamay sa sinabi ni Tita.
"Sige po. Gagawin ko po."
Masakit na kahit kamag-anak kami ni Tita ay parang mas mahalaga sa kanya ay pera. Nakita ko na nasaktan si Papa sa huling sinabi ni Tita kaya natahimik ito.
"Anak, hindi mo naman kailangang gawin. Kaya ko at responsiblidad pa kita."
Umiling ako kay Papa at hinawakan ko ito sa kamay.
"Papa, kaya ko pa po at hindi naman po siguro mabibigat ang trabaho rito. Gusto ko rin pong mag-alaga ng hayop."
Ngumiti ako para sabihin sa kanya na kaya ko at ayos lang sa akin.
"Ganun naman pala. Pagkatapos mong kumain ay tumungo ka sa kulungan ng baka at mag-ipon ka ng gatas dahil kailangan doon ng maraming tao."
Tutol si Papa sa sinabi ni Tita pero pinakita ko na ayos lang. Ngayon ay walang-wala kami at kay Tita lang talaga kami umaasa.
Pagkatapos kumain ng agahan ay nagpalit ako ng suot na binigay sa akin ni Tiya. Pang farmers talaga sya at may bota akong suot at bonnet. Dahil malamig ang klima ay nakajacket din ako ng makapal at scarp bago lumabas.
Dumeretso ako sa kwadra ng baka at masangsang ang amoy dahil sa ihi at dumi ng baka pero tiniis ko kahit para akong maduduwal.
"Anna, here's the container."
Nginitian ko ang foreigner na ale na nagbigay sa akin ng parang timbang lata.
"Thank you."
Tinuruan ako nito kung paano magpiga ng s**o ng baka. Kung titignan ay akala ko madali. Pero nang ako na ang sumubok ay napakahirap pala lalo na't kapag napadiin ang hawak mo ay nagwawala ang baka.
Kaya matagal-tagal rin bago ako natuto at nasisiyahan na ako sa ginagawa ko. Nakakapagod din pero kailangan kong makapuno ng timba dahil baka pagalitan pa ako ni Tita.
"Anak.."
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Papa. Tumayo ako at hinubad ang gloves.
"Papa.."
Lumabas ako sa kwadra at tinignan ko ang dala ni Papa na basket.
"May dala akong meryenda. Tara at kumain ka muna. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo."
Dahil sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng gutom.
"Mukhang masarap po iyan, ah."
Lumakad kami palayo sa kuwadra at tinungo ang punong may bench. Naupo kami doon ni Papa.
"Nakita ko ito sa kusina. Pasensyahan mo na si Papa kung hindi ako marunong magluto."
Ngumiti ako na binuksan ang basket at kinuha ang pagkain na nakalagay sa styro. Pagbukas ko ng styro ay sunog na egg at ham. Pero napangiti parin ako at kumuha ako ng tinapay para ipalaman doon ang ham at egg.
"Hmm, sarap. Pwede na po kayong magluto." sabi ko pagkatikim ko sa luto nya.
"Niloloko mo pa akong bata ka. Alam ko naman na hindi makakain iyan."
Tumayo sya kaya nagtataka na tinignan ko sya.
"O sya. Maiwan muna kita at bumalik ka na sa bahay pagkatapos mo d'yan. Hindi mo naman kailangan na magpakahirap sa pagpipiga ng gatas ng baka. Gagawa ako ng paraan para makahanap ng sariling bahay rito."
"Papa.."
Napahinga sya ng malalim.
"Tatawagan ko si Mr. Switz. Para mabawi ko ang pera kong pinasok sa kanya."
Nilapag ko sa bench ang plato ko at napatayo ako.
"Papa, huwag niyong sabihin na makikipag negosasyon na naman kayo sa kanya?"
"Hindi, Anak. Babawiin ko lang ang pera ko."
"Pangako?"
Ngumiti siya at hinawakan ako sa balikat bago nito tinapik iyon.
"Pangako, anak."
Napahinga ako ng malalim. Ayokong gawin na naman ni Papa ang ginawa niya kaya nangyayari ito lahat sa amin.
Umalis si Papa para bumalik sa bahay. Naupo muli ako sa bench at napatingin sa tanawin. Maganda nga rito sa amerika pero mas gusto ko pa rin talaga sa pilipinas. Parang may kulang rito at kakaiba talaga ang pakikitungo ng tao sa pilipinas kesa rito.
Napahinga ako ng malalim at muling hinawakan ang plato. Napangiti ako dahil kahit hindi marunong magluto si Papa ay sobra kong na-appreciate ang luto nya.
Siguro ay napaayos din itong nangyari sa amin. Ngayon ay hindi kami umaasa kela Manang sa pagkain. Naipagluto pa ako ni Papa.
Napangiti ako lalo at inubos ang mga nasa plato ko. Uminom ako ng fresh milk na galing pa sa baka. Ang sarap.
Napahawak ako sa tiyan ko at tinignan ito. Ngumiti ako dahil nahahawakan ko na ang umbok ng tiyan ko. Mga ilang buwan ay tiyak na sobra pa itong lalaki. At napaisip tuloy ako kung paano ko ito palalakihin ngayon. Lalo't kay Tiya nalang kami umaasa ngayon.
Nakarinig ako ng kaluskos na tila palapit sa akin. Napangiti ako dahil tila bumalik si Papa at tila may nakalimutang sabihin sa akin.
"Papa.."
Lumingon ako pero unti-unting nawala ang ngiti ko at nabitawan ko ang hawak kong bote ng gatas. Napatingin ako sa gatas na nahulog sa lupa at tumapon. Napatingin muli ako sa taong huminto na sa paglapit habang walang anuman akong mabasang emosyon.
"P-Paano?"
Napatayo ako habang hindi ako makapaniwala na narito sya ngayon sa harap ko.
Lumakad ito palapit kaya napahawak ako sa dibdib ko. Kabog ng kabog ang dibdib ko at napaatras ako.
"You promise me, right?"
Napaiyak ako kaya agad akong tumalikod sa kanya.
"P-Paano mo nalaman narito ako?"
Pagak syang natawa kaya napahawak ako sa kamay kong nasa dibdib ko na nanginginig.
"Of course, madali lang malaman kung gugustuhin ko.. Lumayo ka ng hindi ko nalalaman! Anong akala mo sa akin, ha? Pag-uwi ko sa bahay ay para akong mababaliw kakahanap sa'yo, tapos malalaman ko na umalis ka ng bansa kasama ang Papa mo!"
Lalo akong napaiyak ng marinig ko ang pagkaralgal ng boses nya. Huminga ako ng malalim at pinahid ko ang luha ko. Hinarap ko sya.
"B-Bumalik ka na.. Ayos na ako rito."
Agad akong naglakad ng mabilis para makalayo. Pero napasinghap ako at napahinto ng agad syang makarating sa harap ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso.
"Hindi ako babalik ng hindi ka kasama. Uuwi tayo. Sasama ka sa akin."
Agad nya akong niyakap ng mahigpit kaya napaiyak ako habang pilit kong kumawala sa yakap nya.
"Hindi ako sasama sa'yo! Bumalik ka na, please. Tama na.."
"Hindi sabi ako aalis ng hindi ka kasama! Mahal na mahal kita at hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Akin ka lang."
Malakas ko syang tinulak sa dibdib kaya nakawala ako sa yakap nya. Umatras ako habang maluha-luhang tinignan ko sya.
"Dante, tapusin na natin.. Para sa'yo din ito."
Inis na natawa sya at napamewang.
"Paanong naging sa akin, ha? Sabihin mo! Dahil hindi ko maintindihan kung bakit iniwan mo ako na para bang tanga!"
"Ayoko ng dahil sa akin mawalan ka ng trabaho. Ayoko ng dahil sa akin mabali ang prinsipyo mo. Kaya please,.."
"Bullshit! Wala akong pakialam kung mawala ang lahat sa akin! Basta wag ka lang. Kahit mawala ako sa trabaho ay walang problema... Iyon lang ba? Anna, iyon lang ba?"
Napailing ako at umatras kaya nakita ko ang taranta sa itsura nya. Kita ko ang pagod sa mukha nya. At para bang magdamag syang hindi natulog.
"Oo! A-Ayokong dahil sa akin ay mawawala ang lahat sa'yo."
Umiling ako at tinalikuran ko sya. Mabilis akong naglakad at ramdam ko ang mabilis nyang pagsunod.
"Anna, kung akala mo ay hahayaan kitang makawala sa akin, nagkakamali ka! Sinabi ko sa'yo na hindi importante ang ibang bagay, ang mas importante ay ikaw. Ikaw lamang."
Napatili ako ng agad nyang nahuli ang bewang ko. Nagpumiglas ako pero agad nyang hinigpitan ang hawak sa bewang ko.
"Dante! Ano ba!"
"Uuwi na tayo." mariin nyang sabi.
Inakay na nya ako ngunit pilit ko parin na magpumiglas. Nasura ata sya dahil pinangko nya ako.
"Dante, ayoko na! Hindi ako sasama sa'yo!"
Tinignan nya ako at humigpit ang hawak nya sa akin.
"Hindi ka pwede umayaw, Anna. Dahil kahit anong sabihin o gawin mo. Umalis ka at iwan ako. Hindi kita pakakawalan. Akin ka lang. Kaya kong ibigay lahat sa 'yo at kaya kong gawin ang lahat kaya wag mo akong susubukan... Mananagot sa akin ang may gawa ng lahat kaya ka nakawala sa akin."
Tumingin sya sa daan habang kita ko sa mata nya ang galit. Nakita ko si Papa at Tita na lumabas ng bahay.
"Anong ginagawa mo rito? Saan mo dadalhin ang anak ko?"
Lumapit sa amin si Papa pero nagulat ako ng may lumabas na mga lalake na agad humarang kay Papa.
Hindi nagsalita si Dante at tuloy-tuloy sya sa paglabas sa bakuran ng bahay ni Tita habang buhat ako.
Nakita ko ang kotseng limousine.. May lalakeng nagbukas no'n at agad din akong pinasok doon ni Dante bago sya sumunod.
"Dante, hindi ko pwedeng iwan si Papa. Ano ba!"
Hinampas ko sya sa braso pero pinigil nya ang mga braso ko kaya natigilan ako at napatitig sa mukha nya.
"Pwede ba. Kahit ngayon lang ay ako lang! Alam ko na mahalaga ang Papa mo.Pero ako ba hindi ba mahalaga sa'yo?"
Napabuka-sara ang bibig ko at patuloy sa pagpatak ang luha ko.
Napahinga sya ng malalim at marahang binitawan ang braso ko. Inakbayan nya ako at tumingin sya sa labas ng bintana ng umandar na ang sasakyan.
"Pauuwiin ko ang ama mo at akong bahala sa kanya kung iyan ang inaalala mo."
Napayuko ako at napapisil ng kamay dahil bakit ba ganito sya? Bakit kahit iniwan ko sya ay narito't sandaling panahon ay nahanap agad nya ako at nais na iuwi ng pilipinas?
Inaamin ko na sobra ko syang na-miss. Pero inaalala ko sya. Hindi ko kaya na dahil sa akin kaya magkakanda letche ang buhay nya.
Napaiyak ako lalo. Napatingin ako sa kanya ng punasan nya ang luha ko.
"Tahan na.. Wag ka nang mag-isip ng iba. Kahit wala ako sa trabaho ko sa agent ay may tago akong mga negosyo."
"P-Paano.. M-Magagalit sa akin ang Ate mo."
Nakita ko na napatiim-bagang sya.
"Wala silang pakialam sa desisyon ko o sa mga nais ko. Lalo na sya. Wala syang karapatan na mag desisyon sa lahat sa buhay ko."
Humawak ako sa hita nya at napakapit sa pants nya habang nakatingin sa kanya.
"Wag k-kang magalit sa ate mo.. Concern lang sya sa'yo."
Umiling sya at inis na ngumisi.
"Hindi concern iyon. Gusto nya lang kasi na magaya ako sa kanya. Wala syang sariling desisyon. Kaya wag nya akong gagayahin sa kanya dahil kaya kong mag desisyon sa sarili ko."
Tinignan ko sya at kita ko na para bang may iniipon na hinanakit si Dante sa pamilya nya.
"I'm sorry."
Tumingin sya sa akin.
"It's okay, Babe. Ang mahalaga ay kasama kita ngayon at wag na wag ka nang aalis, maliwanag?"
Hinawakan ko ang mukha nya at hinaplos.
"Dapat nga ay hindi mo nalang ako hinanap. Hindi ako nararapat sa'yo dahil duwag akong ipaglaban ka at palagi pa kitang iniiwan."
Hinawakan nya ang kamay ko at dinala ang kamay ko sa labi nya bago halikan.
"Walang ibang nararapat sa akin kundi ikaw. Mahal na mahal kita kaya hahanapin parin kita kahit nasaan ka mang sulok ng mundo."
Hindi ko alam pero lalo akong na-guilty sa sinabi nya. Ganito nya ako kamahal tapos ako ay nakaya ko syang iwan ng hindi gumagawa ng paraan para maayos lahat.
Mas lalo kong napatunayan na totoo ang sinabi ng ate nya na isip-bata pa ako.
Ilang oras rin ang naging byahe mula amerika hanggang pilipinas. Nakaramdam ako ng pagod dahil sa jetlag kaya nakatulog ako sa bisig ni Dante habang lulan kami ng sasakyan na sumundo sa amin sa airport.
Naramdaman ko ang malambot na lumapat sa katawan ko. Naalimpungatan ako at napadilat.
"Sleep, babe."
Muli akong pumikit at nakatulog sa sobrang pagod ko. Hindi ko alam kung ilang oras ba ako nakatulog basta nagising nalang ako na maliwanag ang nakikita ko.
Napakusot ako ng mata at sinuot ang salamin ko. Tinignan ko ang paligid at nagulat pa ako ng makilala ang pamilyar na kinalalagyan ko. Inalala ko ang nangyari at nang maalala ang pagsundo sa akin ni Dante ay napangiti nalang ako.
Bumangon ako kahit para akong ngalay at medyo lutang pa. Lumabas ako ng kwarto at nagulat ako na may dalawang babae na naglilinis. Napakuno't noo ako na hinanap si Dante pero tila wala sya rito.
Napatingin sa akin ang dalawang babae at yumuko sa akin. Balak ko sanang magtanong ngunit agad silang bumalik sa ginagawa kaya nakiba't-balikat ako.
Tinungo ko ang pinto para hanapin sa labas si Dante. Pero pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng sumalubong sa akin ang apat na lalakeng mga nakauniform na itim na t-shirt at may kanya-kanyang suot na earing device sa tenga.
"Hindi po kayo maaaring lumabas, Miss."
"P-Po?"
Hindi nila ako sinagot kaya ngumiti ako.
"Pupunta lang ako sa labas dahil hinahanap ko si Dante."
"Wala si Sir rito, Miss."
Napatango ako. Tinignan ko sila at tila wala talaga silang balak na palabasin ako. Napahinga ako ng malalim dahil alam ko kaya nag-hire ng bodyguard ngayon si Dante ay para hindi ako makaalis muli.
Sinara ko ang pinto at napapahinga ako ng malalim na bumalik. Parang may sariling mundo din naman ang mga kasambahay. Tinignan ko ang oras at nakita ko na alas nuebe na. Maliwanag sa labas kaya alas nuebe palang ng umaga dito sa pilipinas.
Bumalik ako sa kwarto dahil wala naman akong gagawin. Napabuga ako ng hangin habang iniisip kung saan kaya nagtungo si Dante.
Napatingin ako sa side table at nang makita ang landline phone ay agad kong inabot iyon. Pinindot ko ang number ni Dante at tinapat ko ang phone sa tenga ko.
(Hello?)
"Dante, nasaan ka?"
Narinig ko ang tawa nya.
(Why? You missed me?)
Napanguso ako.
"Hindi kaya."
(Really? But I'm missed you.)
Hindi ko mapigilan na mapangiti.
"Oo na. Miss na kita. Nasaan ka ba? At bakit may mga kasambahay at bodyguard dito?"
(I hire them. Don't mind them. Uuwi na ako. May inasikaso lang ako.)
"Okay. Wait kita."
(Okay. I love you.)
Namula ako at napangiti.
"I love you, too."
Rinig ko ang tila paghalik pa nya sa phone. Napangiti ako lalo at binaba na ang phone. Nahiga ako sa kama at napatingin sa gilid ko. Napangiti ako at kinuha ang teddy bear na bigay sa akin ni Dante. Kinuha nya ba 'to bahay? Nasa bahay namin ito kaya nagtataka ako kung bakit narito.
Pero ayos at least meron akong mayayakap ngayon. Muli akong pumikit at hindi ko namalayan na nakatulog muli ako. Naalimpungatan lang ako ng makiliti ako. Napadilat ako at bumungad sa akin ang mukha ni Dante. Kaya hinawi ko ito at sumubsob ako sa unan na kinahalakhak nya.
"Kanina ka pa natutulog, babe."
"Inaantok pa ako."
"Mamaya mo na ipagpatuloy 'yan at kumain tayo, may uwi akong pagkain."
Hindi ko sya pinakinggan dahil hinahatak talaga ako ng antok. Pero makulit sya.
"Babe, c'mon."
Napahinga ako ng malalim at dumilat. Napakusot ako ng mata at bumangon. Tumingin ako sa kanya na nakatayo sa gilid ng kama habang hinihintay akong bumangon.
Napahikab ako at bumaba ng kama. Inakay na nya ako kaya nanlalata na naglakad ako kasabay niya.
Paglabas namin ng kwarto at pagtungo sa sala ay wala na ang mga taong kinuha nya.
"Nasaan ang mga tao rito kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Pinaalis ko na."
Napatango ako. Tumungo kami sa kusina at nakita ko ang mga pagkaing nakahain tila sa mamahaling restaurant pa binili.
"Mukhang masarap 'to."
Napangiti sya at naupo kami sa high chair.
"Of course.."
Pinaglagay nya ako sa plato kaya nang mailagay nya ay agad akong tumikim. Nginuya ko ang beef at napatingin ako sa kanya bago napangiti.
"Ang sarap nga."
Napangiti sya at sinubuan naman nya ako ng manok na roasted. Napatango ako dahil ang sarap. Tila mabubusog ako ngayon.
"Anyway, Babe. Tomorrow, we need to see your doctor. It's been a week when we go to the hospital."
Tumingin ako sa kanya.
"Huh? Check-up na naman?"
"Of course. Dapat every week or two ay magpapacheck-up ka. Gusto kong malaman palagi ang kalusugan mo at ang sitwasyon ng baby natin."
Napatango ako at tumingin ako sa plato ko.
"Palagi nalang ikaw ang gumagastos. Nahihiya na ako sa'yo." sabi ko.
"Babe, look at me.."
Hinawakan nya ako sa baba at pinatingin sa kanya.
"Obligasyon kita at ang anak natin. At kahit gumastos pa ako ng gumastos ng lahat ng kailangan mo ay ayos lang. Ang gusto ko lang na kapalit ay ikaw."
Napanguso ako upang pigilan ang ngiti ko. Napangiti sya ng makita ang reaksyon ko kaya kinurot ko sya sa tiyan at inirapan.
"Huwag mong sabihin na kinikilig ka?"
"Heh!"
Natawa sya at hinalikan ako sa labi.
"Well, all my words are true. Sobra kitang mahal na mahal."
"Hindi ka ba nagsasawa sa akin? Hindi ako maganda, sexy, mayaman, at hindi pa tapos ng pag-aaral. Tapos bata pa ako sa'yo kaya alam ko na nahihirapan ka sa akin."
Umiling sya at humawak sya sa hita ko habang titig na titig sa akin.
"Ikaw nga lang sapat na sa akin. Hindi kita pagsasawaan dahil lalo pa akong nababaliw sa'yo."
Ngumiti sya at hinalikan ang balikat kong expose. Nakasuot nalang kasi ako ng bestidang tila naiwan ko rito nung minsan na namalagi ako rito. Sya siguro nagpalit ng suot ko habang tulog ako.
"Talaga?"
Tumango sya at kinuha ang isang kamay ko bago halikan..
"Sige na. Kumain ka na at baka lumamig pa ang pagkain."
Tumango ako at humarap muli sa pagkain. Naging masaya ang pagkain namin at ramdam ko iyon kay Dante. Nais ko sanang tanungin kung talaga bang pinauwi nya si Papa. Kaso hindi ako makahanap ng tyempo.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami ng bahay nya para magpahangin. Kahit aircon sa buong bahay ay sobrang init naman sa labas kahit gabi na.
"Parang gusto kong mag swimming."
Naakit ako sa swimming pool ni Dante na may mga ilaw na iba-iba.. Kumukulo pa sya.
"Okay, but change your clothes."
"Wala naman akong pang swimming." ngumuso ako.
Ngumisi sya at hinubad ang t-shirt nya.
"Babe, we are alone here. You can take-off your clothes."
Humawak sya sa bewang ko at hinalikan ang balikat ko mula sa likod. Mahinang pinalo ko ang kamay nya at pabirong inirapan ko sya na kinangisi nya.
Binitawan nya ang bewang ko at lumapit sya sa pool. Nag-init ang pisngi ko ng hubarin nya ang short kaya tanging brief nya nalang na itim ang natira. Tumalon sya sa pool kaya tumalsik ang tubig. Napailing ako at tumingin sa paligid. Sobrang tahimik nga at wala namang kapitbahay si Dante dahil itong penthouse lamang nya ang nakatayo sa lupaing ito.
"Babe, c'mon!"
Napahinga ako ng malalim at inalis ang pagkakatali ng strap ng bestida sa balikat ko sa magkabilang balikat at tsaka ko hinubad kaya nahiya ako kahit ilang beses naman nya nakita ang katawan ko.
Naupo ako at tinambog ko sa tubig ang mga paa ko. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa bewang kaya inalis ko ang salamin ko at nilapag sa sahig. Humawak ako sa balikat nya at napakapit agad ako sa leeg nya ng malubog na rin ang katawan ko sa tubig.
"Huwag mo akong bibitawan."banta ko.
Natawa sya at hinalikan ako sa pisngi.
"Of course. Kelan ba kita binitawan?"
Napanguso ako dahil may pa-hugot pa ang sinabi nya. Inakay nya ako sa gitna at hanggang leeg ko na kaya todo kapit ako sa leeg nya. Hapit-hapit naman nya ang bewang ko sa katawan nya kaya hindi ako masyadong kinabahan.
"Ang lalim pala rito sa gitna."
"Yeah."
Nagkatinginan kami at dahil magkalapit lang ang mukha namin ay agad dumampi ang labi nya sa akin. Napangiti sya kaya ngumiti ako. Gumalaw ang labi nya at sabik na sinipsip ang labi ko. Napabuka ako ng bibig at napatugon sa malagkit nyang halik.
Napapikit ako at napahaplos sa buhok nya ang isang kamay ko ng maramdaman ko ang isang kamay nya na bumaba sa pang-upo ko at pinisil.
Niyakap ko ang mga binti ko sa bewang nya habang lumalalim ang palitan namin ng halik. Napabitaw ako ng maramdaman ko ang pader. Hindi ko namalayan na narito na kami sa gilid ng pool.
"I want you."
Hinaplos ko ang mukha nya at napangiti ako.
"Baka sa pagtatalik natin ay hindi lang isa mabuo sa tiyan ko. Napahilig mo ata."
Ngumisi sya at hinaplos ang legs kong nasa bewang nya.
"Mas maganda nga ang ganun. Mas marami, mas lalo kang walang kawala sa akin."
Hinampas ko ang balikat nya at napailing ako.
"Heh! Tumigil ka. Ayoko ng ganon. Baka hindi ko kayanin."
Napangiti sya at pinatong ang mga kamay sa pader.
"Okay. Edi isa-isahin natin. Gusto ko ng maraming anak."
Nag-init ang pisngi ko at pinisil ang pisngi nya.
"Hmp! Ayoko nga. Isa lang."
Ngumisi sya at muling humawak sa bewang ko.
"Ang tanong: Makakahindi ka ba sa akin kung palagi kitang gagapangin?"
"Nakakainis ka! Tigilan mo ako sa paganyan-ganyan mo."
Natawa sya at kinantilan ako ng halik.
"Of course, I'm joking."
Nung una kaming magkakilala ay akala ko sobrang tahimik, seryoso at wala syang kapilyuhan. Pero ngayon na lubusan ko syang nakilala ay sobrang harot nya at hilig.
Nag-swimming kami pero syempre nakasampa ako sa likod nya habang lumalangoy sya. Napakaganda maligo kapag ganitong mainit at makikita ang star sa langit. Nakakawala ng kaninang pangyayari na sobrang bilis at para lang akong namasyal sa amerika at kinabukasan ay nakauwi din agad rito sa bahay ni Dante.
Binuhat nya ako paalis ng pool at lumapit kami sa sun-lounger. Naupo sya at pinaupo ako sa pagitan ng hita nya. Napahawak ako sa hita nya at sumandal sa dibdib nya.
"Dante, hindi na ata ako matatanggap ng parents mo at Ate mo."
"Wag mo ng isipin iyon. Kung ayaw nila sa'yo, bahala sila. Ang importante ay hindi sila makikialam sa atin."
Nalungkot ako dahil doon. Napahawak ako sa braso nya ng yumakap sya sa bewang ko. Hinaplos nya ang umbok ng tiyan ko.
"Hindi na ako makapaghintay na ipanganak mo ang anak natin. Sana babae, para kagaya mo."
Nilingon ko sya.
"Ako, gusto ko ng lalake at sana kagaya mo."
Napangiti sya at hinalikan ang balikat ko.
"Hmm. Pwede namang both. Baka mahabol pa natin upang maging dalawa."
Hinampas ko ang braso nya ng gumapang ang kamay nya sa p********e ko habang suot ko ang basang panty ko.
"Tumigil ka nga. Hayan ka na naman."
"Bakit? Masama ba? Masama bang palagi kitang hawakan?"
"Dante!"
Hinawakan ko ang kamay nya ng pumasok sa loob ng panty ko. Napahawak ako sa isang kamay nya ng humawak din iyon sa dibdib ko.
Napapikit ako at napakapit sa braso nya ng paglaruan nya ang p********e ko. Napadilat lang ako ng tigilan nya agad ako. Pinatayo nya ako kaya nagtataka ako. Tumayo sya at agad nya akong hinapit sa bewang bago abutin ang labi ko at sakupin ang labi ko.
Napatingkayad ako at napakapit sa balikat nya ng pisilin nya ang pang-upo ko. Hinampas nya pa ito kaya napasinghap ako na lalo nyang kinasabik.
Nagbitaw kami at hingal na hingal akong tinignan sya. Pinatalikod nya ako sa kanya at napapikit ako ng maramdaman ko ang umbok nya sa pang-upo ko.
"I love you so much. You are mine." bulong nya at hinawi ang panty ko.
Napatapak ako sa paa nya at napahawak sa braso nyang nakayakap sa bewang ko. Naramdaman ko ang pagkalalake nya at sinentro sa b****a ko.
Napasinghap ako at napapikit ng mariin ng dahan-dahan pa syang umuulos sa akin. Suot parin namin ang underwear at para kaming magkayakap kung titignan pero may kababalaghan na palang ginagawa.
"Damn. You are so tight. So young."
Punong-puno ang pakiramdam ko ng tuluyan syang sumagad. Jusko. Mas lalo ata syang lumalaki sa bawat araw. Bumigat ang hininga ko at hininga nya habang marahang umuulos sya ng punong diin. Pinisil nya ang dibdib ko at niyakap ako ng mahigpit habang inaangkin nya ako ng patayo habang nakaharap kami sa pool.
Napatingala ako kaya malaya nyang nahahalikan ang leeg ko.
"Wag mo ng uulitin na layasan ako. Dahil kapag inulit mo pa ay hindi na ako mangangako na hindi ako magiging malupit sa'yo. Kaya wag na wag mo akong iiwan dahil kapag napuno ako ay iba akong magalit."
Napasabunot ako sa buhok nya habang hindi ko makayanan ang sensasyon. Napadilat ako ng huminto sya.
"Let's go in the bathroom."
Inakay nya ako habang hindi hinuhugot ang pagkalalake nya sa akin. Ang bathroom ay nauwi sa sofa. Napakapit ako sa balikat nya habang mabilis ang galaw nya sa ibabaw ko.
Hindi pa sya nakontento sa sofa at maging sa table, kitchen, sa room, at huli sa banyo ay hindi nya ako tinantanan.
Napapikit ako habang nakasandal sa kanya. Narito kami sa bathtub at nagbababad matapos ang init ng aming pagtatalik.
"Are you tired, babe?" bulong nya habang umiinom sya ng alak.
Tumango ako habang pinaglalaruan ko ang daliri nya na may sabon.
"Sorry. Masyado akong naging sabik."
Nag-init ang pisngi ko at hindi makasagot. Binaba nya ang baso ng alak sa gilid ng bathtub kung saan nakapatong din sa tray ang kinuha nyang bote ng alak.
"Let's go. Magbanlaw na tayo at nang makatulog ka na."
Tumango ako at bumangon. Inalalayan nya ako sa pagbaba sa bathtub at sumunod sya. Lumapit kami sa shower at tumapat sa shower.. Pagkatapos naming magbanlaw ay lumabas kami ng banyo.
Tinungo namin ang walk-in closet nya at pinahiram nya ako ng damit nya kaya wala akong panloob.
Nagpapatuyo ako ng buhok gamit ang towel habang sya ay nasa tapat ng bintana at may tinawagan.
Nang matiyo ang buhok ko ay sinampay ko sa sampayan ang towel at kinuha ko ang suklay sa side table. Nagsusuklay ako na tinignan si Dante at tila sya seryoso.
Nang matapos sya ay humarap na sya sa akin at naglakad palapit.
"Babe, bukas mag shopping tayo. You need a new clothes. And I'm thinking to buy clothes and stuff for our baby."
"Huh? Pero hindi pa natin alam kung anong gender ng pinagbubuntis ko. Baka masayang lang kung mali tayo ng mabibili na damit."
Naupo sya sa kama at umusog bago sumandal sa headboard pahiga. Inakbayan nya ako kaya umusog ako para makahiga at sumandal sa dibdib nya habang nakatingin sa kanya.
"Is not a problem. Kung magkamali ay tiyak na magagamit naman iyon sa susunod."
Ngumisi sya kaya kinurot ko ang dibdib nya na kinahalakhak nya. Napasimangot ako.
"I'm serious." sabi ko.
"But I'm serious, too." Ngumiti sya.
"Hmp!"
Tinalikuran ko sya. Natawa sya at humawak sa bewang ko.
"I'm just telling you the truth, babe." hinaplos nya ang bewang ko kaya inalis ko ang kamay nya.
"Hindi pa nga ako nanganganak, kasunod agad ang iniisip mo."
"Babe, maikli lang ang panahon at dapat na agarin ang lahat para makasigurado."
Hindi ko nalang sya pinansin. Pero naisip ko na parang maganda rin na makabili ng baby clothes parang ang cute siguro no'n.
Niyakap nya ako at siniksik ang mukha nya sa leeg ko. Bumangon ako at inabot ang kumot namin. Nahiga muli ako at muli nya akong niyakap ng mahigpit mula sa likod.
Napatingin ako sa right wrist ni Dante at kanina ko pa napansin iyon sa pulso nya. May nakatattoo doon na maliit na mga letra na hindi ko lang mabasa kanina dahil wala akong suot na salamin. Pero ngayon ay nakikita ko na at nabasa ko ang mismo kong pangalan.
My Anna.
Napangiti ako pero napaisip kung kelan kaya nya ito pinatattoo. Nilingon ko sya pero nakapikit na sya. Mula ng makauwi kami rito at malamang umalis sya ay tila ngayon lang sya makakapagpahinga kaya agad syang nakatulog.
Humarap ako sa kanya at tinitigan ko ang mukha nya. Maingat na hinaplos ko ang mukha nya at napangiti ako dahil kahit saang angulo sya tignan ay walang mapintas sa mukha nya. Napakagwapo at nakadagdag pa ang napakaseryoso ng mukha nya.
Hinapit pa nya ako sa kanya kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Napangiti ako at pumikit para makatulog na rin. Kahit maghapon na ata akong nakatulog ay parang kulang parin.