KABANATA 17 - LEAVE

3602 Words
Nalaman ng pamilya ni Dante ang ginawa nyang pagpapalaya sa Papa ko. Hindi ko inaasahan na pagkauwi namin ay suntok agad ang sinalubong ng Dad nya sa kanya. Galit na galit sila dahil isang katangahan daw na pakawalan ang Papa ko. At alam ko na sobra na rin nila akong kinasusuklaman. Napatingin ako kay Dante na umiinom ng alak habang nakaupo sa sofa. Naramdaman ko kasi ang pagbangon nya sa higaan. Dahil sa galit rin ni Dante sa panunutok ng Dad nya sa kanya ay nilisan namin ang bahay ng parents nya. Dito na kami tumuloy muli sa penthouse nya. Nakokonsensya ako dahil kasalanan ko kung bakit nagalit sa kanya ang pamilya nya. "Dante.." Lumingon sya at napahinga ng malalim. "Bakit bumangon ka pa? Bumalik ka na sa higaan at susunod na ako." Lumapit ako sa kanya at huminto sa gilid nya. Napapisil ako ng kamay pero agad kong kinuha ang kamay nya at hinatak. "Tara na.. Tama na ang inom." Napangiti sya at binaba ang baso ng alak sa lamesa. "Hindi ka ba makatulog?" Tumango ako kaya tumayo sya. Muntik pa syang matumba dahil tila marami na rin syang nainom dahil nangalahati ang laman ng mamahaling bote ng alak. Natawa sya at inakbayan ako. "Okay. Let's go back to our room." Tiningala ko sya at kahit nakangiti sya ay alam ko na parang may tinatago sya sa aking problema. Inalalayan ko sya sa paghiga sa kama. Naghanda din kasi ako ng yelo at bimpo para madampian ang pisngi nya. Naupo ako sa gilid nya at kinuha ang yelo at binalot sa bimpo. "Dampian natin ng yelo iyang pisngi mo para hindi mamaga." Napangiti sya at humawak sa kanang tagiliran ko. Dinampian ko ang pisngi nya ng dahan-dahan. "Pasensya ka na kung hiniling ko sa'yo na pakawalan mo si Papa. Nasaktan ka tuloy ng Papa mo at nagkagalit pa kayo." "Hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay ikaw. Ikaw ang mahalaga sa akin. Wala ng iba. At syempre ang magiging anak natin." Tinignan ko sya. Binitawan ko sa palanggana ang yelo na may bimpo at hinawakan ko ang mukha nya. Hinalikan ko ang pisngi nya. "Ayan! Gagaling na 'yan." Natawa sya at napatili ako ng hatakin nya ako at hiniga sa kama, sa tabi nya. Niyakap nya ako at pati ang binti nya ay niyakap nya sa mga binti ko. "How about this? It's hurt also." Turo nya sa labi nya. "Abuso ka. Hindi naman tinamaan iyan, ah?" "Masakit rin. Tinamaan rin ito." Naningkit ang mata ko. Ngumisi sya kaya pinisil ko ang ilong nya at mabilis ko syang hinalikan. "Damn! You're so naughty, ha?" Napatili ako ng daganan nya ako habang yakap. Tinignan ko sya at nakangiti na sya. "Mawala na sa akin ang lahat pero wag ka lang. Hindi ko matatanggap kung pati ikaw ay mawawala sa akin." Nilusot ko ang mga kamay ko sa leeg nya at niyakap ko ang leeg nya. "Hindi ako mawawala." "Promise me.." Tumango ako kaya napangiti sya at agad akong sinunggaban ng halik. Napangiti ako at tumugon sa halik nya. Hinampas ko ang balikat nya ng pagpartehin nya ang legs ko. Lumalim ang halik namin habang dinidiin nya ang ibabang parte ng katawan nya sa akin. Dahil nakadress ako ay ramdam ko agad ang umbok nya lalo't lumihis ang palda ko. Nagbitaw kami kaya hinawakan ko ang mukha nya at hinaplos. "Parang gusto ko ng ice cream ngayon." Natawa sya. "Babe, it's already midnight. Bukas nalang." Napanguso ako. "Gusto ko ngayon na." "Babe, kung kailan naman tayo nagkakainitan tsaka ka naghahanap ng iba. Ako nalang." Tinulak ko sya sa dibdib kaya napabangon sya. Inayos ko ang palda ng dress ko at inalis ko ang mga binti ko sa kanya. Tumalikod ako at nagdadabog na nagkumot. "Babe, nagtatampo ka ba?" Niyakap nya ako at hinalikan ang braso ko kaya hinawi ko ang mukha nya. "Gusto ko nga ng ice cream. Hindi mo man lang ako mabili." Napaiyak ako na walang dahilan. Basta naiinis ako sa kanya bigla dahil ayaw nya atang ibigay ang gusto ko. "Okay. Tahan na, babe. Hindi ka na mabiro." Lumingon ako sa kanya. "Ibibili mo na ako?" Natawa sya at hinalikan ang noo ko. "Of course, everything you want I'm willing to give." Napangiti na ako. "Gusto ko ng chocolate, ha? Tapos may tiyo sa ibabaw." Napakuno't noo sya. "Tiyo? Babe, walang ganun. Chocolate lang at hindi match ang tiyo doon." Napasimangot ako kaya napailing sya. "Okay. Wag kang lalabas ng kwarto at sasaglit lang ako sa labas para bumili." Napangiti akong muli. "Okay. Dito lang ako." Napangiti sya at hinalikan ako sa labi. Bumaba na sya ng kama at kinuha ang jacket nyang nakasabit sa sabitan. Maging ang wallet nya at phone. Sinundan ko sya ng tingin at napangiti ako na naupo. Kinuha ko ang remote sa side table at binuhay ang 90' inch flat screen t.v na nakaharap sa paanan ng kama. Nag-indian seat ako at naghanap ng magandang palabas pa. Para habang hinihintay ko si Dante ay hindi ako mainip. Pumalumbaba ako. Natawa ako sa palabas na cartoons at ang cute kasi dahil galit na ibon na tanging ulo lang ang nakikita ko. Napahawak ako sa tiyan ko at nagutom ako bigla. Pinatay ko muna ang t.v at bumangon ako. Baka may makita ako na makakain habang hinihintay si Dante. Tinungo ko ang kusina at lumapit sa refrigerator. Nakita ko na puno ang ref kaya agad akong pumili ng makakain. May nakita akong spaghetti pero malamig. Paano kaya iinit ito? Kinuha ko ang pinaglalagyan ng spaghetti na isang plastick container. Sinara ko ang ref at napatingin sa mga lutuan. Nakita ko ang oven at napangiti ako ng maalala na minsan ay gumagamit rin si Manang Merlyn ng oven kapag nag-iinit. Kaya lumapit ako sa oven at binuksan ito. Pinasok ko ang plastick container na may lamang spaghetti at tsaka ko sinara ang takip ng oven. Sinaksak ko ang oven at napaisip ako kung alin ang bubuhayin sa mga pihitan. Kung itodo ko kaya lahat? Tutal para maluto agad. Pinihit ko lahat ng todo at napangiti na lumapit muli sa refrigerator. Kinuha ko ang nakita kong mango shake na nakalagay sa pitsel. Napatingin ako sa oven at nagtaka ako ng parang umuusok. Nilapag ko sa bar counter ang pitsel at lumapit ako sa oven. Hinawakan ko ang takip pero agad akong napangiwi at napalayo ng mapaso ako. "s**t!" Napalingon ako kay Dante na agad lumapit sa akin. Nilayo nya ako sa oven at hinatak nya ang saksakan ng oven. "Are you okay?" Tumango ako kahit umaaray ako sa paso ng kamay ko na tinago ko sa likod ko. Napahinga sya ng malalim at kinuha ang basahan.. "Babe, ano 'to? Bakit naglagay ka ng plastick container sa oven?" "Nakita ko kasi yung spaghetti. Gusto kong kainin dahil nagugutom ako kaya ininit ko d'yan sa oven." "Dapat hinihintay mo ako. Paano kung sumabog itong oven? f**k!" Nagulat ako ng magalit sya. Nangilid ang luha ko at napayuko. "I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam magluto." Napahinga sya ng malalim at lumapit sya sa akin. "I'm sorry, too. Okay, I'm not mad. Basta wag mo ng uulitin iyon. Ninenerbyos ako kapag nalalagay ka sa alanganin." Hinawakan nya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko. "Hindi ko na gagawin. I'm sorry. Nakasira pa ako." Napangiti sya ng lalo pa akong umiyak. "It's okay. It's just a thing nothing important than you. Tahan na. Ipagluluto nalang kita, okay?" Tumango ako kaya napahinga sya ng malalim at hinalikan ang noo ko. Dahil sabi nya ay ipagluluto nya ako kaya naupo muna ako sa high chair at nilantakan ang binili nyang ice cream. Wala syang makitang tiyo kaya ayos lang dahil may kasalanan naman ako sa kanya. Tinignan ko sya habang nagluluto ng sauce ng spaghetti habang kasabay ay pasta. Shirtless sya dahil hinubad nya at ayaw nyang marumihan ang damit nya. Nakakahiya naman na marunong pa syang magluto kesa sa akin. Pero ang gwapo at macho nyang chef. Napahagikgik ako at sumubo ng ice cream. "Hmm. Anong tinatawa-tawa ng babe ko?" Napatingin ako sa kanya at sumulyap sya sa akin habang hinahalo ang sauce. "Wala. Wag mo na akong intindihin." Ngumiti sya at napailing na hinarap muli ang niluluto nya. Uminom ako ng tubig at nagpunas ng bibig.. Ang sarap ng ice cream. Naamoy ko ang niluluto ni Dante at bigla akong natakam doon dahil ang bango. "Parang ang sarap nya'n. Natatakam na ako." "Sandali nalang ito, Babe. Malapot na rin ang sauce at palambot na ang pasta." Sinara ko ang takip ng ice cream at bumaba ako ng high chair. Bitbit ang ice cream na lumapit ako sa refrigerator. Nilagay ko sa yelohan ito para bukas ay makain ko pa. Lumapit ako kay Dante at yumakap sa likod nya bago ko sinilip ang niluluto nya. . "Hmm, ang bango." Natawa sya at sinilip ako sa kili-kili nya. Iyon kasi ang inaamoy ko. "Alin ba ang mabango; ang luto ko o ang kili-kili ko?" "Both." Napahalakhak sya at napangiti ako na inamoy muli ang kili-kili nya. Ang bango parin nya kahit nasa harap na sya ng lutuan at lumabas pa kanina. "Babe, tsaka mo na ako amuyin kapag tapos na ako rito." Ngumiti ako at kinapa ang abs nya at dibdib. "Ang bango-bango mo kasi at ang sarap hawakan ng abs mo at dibdib." Pinatay nya ang apoy sa niluluto nyang sauce at hinarap naman nya ang pinapakuluang pasta. Kaya napasunod ako sa kanya dahil nakayakap ako sa kanya mula sa likod. "Maluluto na?" "Yeah. Kaya maupo ka na doon at ihahain ko na ito." "Yehey!" Natawa sya kaya tumingkayad ako at inabot ang pisngi nya. "Salamat, babe ko." Nilingon nya ako kaya napangiti ako at inabot ang labi nya. Hinalikan ko sya. "Damn. Iyon ang pinakamasarap." Pinalo ko ang tiyan nya at umalis na ako ng yakap sa kanya. Bumalik ako sa high chair at hinintay na ilapag nya ang nilutong spaghetti. Nang patayin na nya ang kalan ay napadila na ako. Inalis nya ang tubig at naiwan ang pasta sa salangan para maalis ang tubig ng pasta. At nilagay nya iyon sa isang malaking bowl. Pagkatapos ay nilagyan nya ang sauce kaya lalo akong natakam. "Done, babe." Napangiti ako ng ilapag nya sa harap ko ang spaghetti na may nakabubod pang cheese at mushroom. Napadaop-palad ako at napangiti na inamoy ang bango ng spaghetti nya. Nilapag nya ang isang plato sa harap ko kasama ng tinidor. Naupo sya sa tabi ko ng maalis sa katawan nya ang apron. "Share nalang tayo, babe. Baka hindi mo naman maubos." "Okay." Naglagay sya sa plate ng spaghetti kaya gamit ang tinidor ay agad akong kumuha ng pasta at pinaikot sa tinidor. Sumubo ako at napapaypay ako ng bibig dahil ang init. "Careful, babe. It's hot." Uminom ako ng tubig kaya napangiti sya. Napangiti ako. "Ang sarap." "I'm happy to hear that... Wait, hihipan ko muna." Kinuha nya ang tinidor na hawak ko at pinikot doon ang pasta. Hinipan nya at tsaka inuma sa bibig ko. Sinubo ko at napangiti ako na nginuya ito. "Ang dungis mo." Pinunasan nya ang gilid ng bibig ko ng table napkin. Kumuha ako ng pasta at hinipa bago ko naman inuma sa bibig nya. Napangiti sya at ambang isusubo nya ay ako ang kumain. "Aba.." Natawa ako ng yakapin nya ang bewang ko at kiniliti. Hinawakan ko ang mukha nya para ilayo sya pero napangiwi ako ng masanggi ang paso ko. "Ouch!" "Why?" Napatingin sya sa kamay ko at agad nyang hinawakan bago ako bitawan ng yakap. "s**t. Bakit hindi mo sinabi? It's still hurt?" "Oo." Napanguso ako kaya napailing sya at hinipa ang paso ko. "Wait. Kukuha ako ng gamot d'yan. Ikaw talaga." Pinisil nya ang ilong ko kaya napasimangot ako. Natawa sya at umalis. Kaya kumain muna ako ng spaghetti habang wala pa sya. Grabe ang sarap ng spaghetti nya. Parang hindi nakakasawa na kainin. Agad nakabalik si Dante at may dala na syang medicine kit. Naupo sya muli sa tabi ko at nilapag ang medicine kit. "Your hand." Naglahad sya ng kamay kaya hinarap ko sa kanya ang may paso kong kamay. Ginamot nya ang sugat ko sa paglalagay ng parang jelly na puti. Nawala ang hapdi at parang lumamig ang pakiramdam ko sa paso. Nang ayos na ay hinipa nya ang kamay ko. Napangiti ako. "Salamat." Tinignan nya ako at ngumiti sya. "Basta wag na wag ng mauulit iyon. Wag mong dadalhin ang sarili mo sa kapahamakan. Maliwanag?" Tumango ako at nagtaas ng kanang kamay. "Promise." Ginulo nya ang buhok ko at niligpit nya ang medicine kit. "Okay. Kumain na ulit tayo." Kinuha ko muli ang tinidor at kumain ako muli ng spaghetti nya. Sinubuan ko sya at natapos din kami sa wakas. Sya ang nagligpit pero tumulong ako kahit ayaw nya. Lagi nalang sya ang gumagawa ng lahat at ayoko naman na sabihin ng pamilya nya ay inaabuso ko si Dante. Tsaka gusto ko ring matuto ng gawaing bahay. Tutal ay totoong mag-asawa na kami ni Dante at magkaanak. Kahit na nagsinungaling at may nagawang hindi maganda si Dante ay nawala naman iyon ng pakawalan nya si Papa. Sa totoo ay kasalanan naman talaga ni Papa kaya hindi dapat ako magalit kay Dante dahil ginagawa nya lang ang trabaho nya. Ngayon ay dahil sa akin kaya nagkagalit si Dante at Dad nya. Dahil sa request ko na makalaya si Papa kaya nagtaksil sa paniniwala nya si Dante. Kaya babawi ako sa kanya. Hindi ko na sya susuwayin at lahat ng gusto nya ay ibibigay ko. Nang matapos kami ay bumalik na kami sa kwarto. Nahiga sa kama na magkayakap. Tinignan ko si Dante habang nakaunan ako sa dibdib nya. Natutulog na sya at napangiti ako dahil ang gwapo-gwapo talaga nya. Yumakap pa ako sa bewang nya at pumikit na para makatulog na rin. - Kinabukasan ay ginising ako ni Dante. Isasama nya daw ako sa office nya pero sabi ko ay dito nalang ako sa bahay nya. "Babe, kahit matulog ka sa office ko. Wala kang kasama rito at baka.." "Hindi ako aalis kung iyan ang kinangangamba mo, okay? Gusto ko lang talaga matulog ngayon dahil para akong hinihila ng kama." Napahinga sya ng malalim. "Okay, but promise me that you're not leaving this house. Stay here and wait until I came back." Tumango ako at ngumiti. "Oo. Sandali ka lang ba?" "Yeah, sasaglit lang ako at uuwi din agad. If you want to eat now, you can eat the food I cook. I place it in the table. Kung hindi naman ako makabalik agad ay tumawag ka sa akin at i-oorder kita ng food." "Okay, I get it." Ngimiti sya at hinalikan ako sa labi. "Ingat ka at I love you." Lalo syang napangiti sa sinabi ko. "I love you, too. Mag-iingat ako dahil hindi ko kayo pwedeng iwan ni baby." Hinaplos nya ang tiyan ko at hinalikan. Napangiti na sinuklay ko ang buhok nya. "Sige, umalis ka na at nang makabalik ka na agad." Natawa sya at muli akong hinalikan. Hinaplos ko ang labi nya ng magbitaw kami. Kinuha nya ang jacket nya at tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama. Sinundan ko sya ng tingin ng maglakad na sya at napahinga ako ng malalim ng makalabas na sya. Pumikit muli ako at natulog ulit dahil inaantok talaga ako. Nagising lang siguro ako ng magtatanghalian na. Napahikab ako at napakamot ng ulo na bumangon ng kama. Lumabas ako ng kwarto at tumingin sa paligid. Tahimik at tila wala pa si Dante. Napatingin ako sa oras at tanghalian na nga. Maaga syang umalis kaya nagtataka ako kung bakit ang tagal nya. Sabi nya ay sandali lang sya. Baka maraming ginawa sa office nya? Nakiba't-balikat ako at tinungo ang kusina. Nakita ko ang nakatakip na mga plato at pagbukas ko ay mga luto ni Dante kaya napangiti ako. Kumuha ako ng plate at spoon and fork. Agad na kinain ko ang luto nya at napangiti ako dahil ang sarap talaga nyang magluto. Tila tataba ako kapag sya ang laging magluluto ng kakainin ko. Napatigil lamang ako sa pagkain ng may nag-doorbell. Si Dante! Agad na iniwan ko ang pagkain ko at bumaba ng high chair. Excited na lumabas ako ng kusina at tinungo ang pinto. Pagbukas ko ay unti-unting nawala ang ngiti ko. Nagtaka ako kung anong ginagawa ng Ate ni Dante rito. "Like what I expected. You are alone here." Napahawi ako ng maglakad sya para pumasok. Napapisil ako ng kamay dahil kinabahan ako ng makita sya. Sinara ko ang pinto at agad na sumunod sa kanya. Nilibot nya ang tingin sa loob ng penthouse ni Dante. "I'm so proud to my brother. He can do what he want like this house. Very unique penthouse." Naupo sya sa couch at nag-cross legs. "B-Bakit nga po pala kayo napunta rito?" Tinignan nya ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Natawa sya at napahawi sa buhok nya na maganda at kulot ang dulo. Napakaganda nya. "Look at you.." tinignan ko ang sarili ko. Nakabestida ako at hindi pa nanunuklay, naghihilamos, at nagsisipilyo, "I can't take that my brother is so crazy to you. You are not pretty and you look disgusting." Huminga ako ng malalim dahil ang sakit na nalait ako ng kapatid ni Dante. Siguro ay talagang ganito sya. "Pasensya na po pero kung hanap nyo po si Dante ay wala sya rito.. Nasa.." "Ikaw ang kailangan ko." Tumayo sya at humalukipkip na tinignan ako ng seryoso. "Dahil sa'yo kaya lahat ng rules na dati ng sinusunod ng kapatid ko ay nasira. Wala kang hiya, no? May kasalanan ang ama mo pero dahil sa pang-uuto mo sa kapatid ko kaya nakalaya ang ama mo. Dahil sa'yo kaya maaaring maalis sa trabaho ang kapatid ko!" Napamaang ako habang nangingilid ang luha ko. Natawa sya. "A-Ano pong sabi nyo?" "Batas ay batas. At alam mo ba na sobra ang paghihirap ng kapatid ko marating lamang nya ang posisyon nya sa pagiging alagad ng batas? Tapos ikaw, ang lakas ng loob mo na hilingin sa kapatid ko na pakawalan ang ama mo." Napapapikit ako habang para akong nahirapang huminga sa narinig ko. "H-Hindi ko po alam." "Of course you don't know. Tanging pang sariling kapakanan lang ang inaalala mo. How about my brother? He turned down bridgette. The wedding is supposed to be continue but because my Brother can't marry bridgette, ang pag-iisa sana ng pamilya namin at ni Bridgette ang syang magiging susi para mas umangat pa ang pangalan namin at maibigay sana ni Dad kay Dante ang position bilang chief. Pero dahil sa ginawa ni Dante ay nakatakda na ibigay sa iba ang posisyon. At dahil din sa'yo kaya nangyayari ito!" Napaiyak ako at napapisil ng kamay habang sobra-sobrang nakokonsensya. Wala akong masabi dahil iyon siguro ang problemang nakita ko kahapon sa mukha ni Dante. Hindi ko alam na ganun. Hindi ko alam. "Let's make a deal." Napatingin ako kay Miss Dianara. May kinuha sya sa bag nya at napatingin ako sa plane ticket. "Umalis ka ng bansa at isama mo ang ama or what ever you want. Layuan mo na ang kapatid ko dahil wala kang mabuting magagawa sa kanya. Kung talagang mahal mo ang kapatid ko ay lumayo ka at wag na wag ka nang magpapakita. Nakahanda ang driver ko para ihatid ka. Ngayon ka na umalis hangga't wala pa si Dante." Nanginig ako at sunod-sunod na napalunok habang nakatingin sa ticket. Nanlalabo ang salamin ko dahil sa luhang pumapatak sa mga mata ko. Napapunas ako ng luha at nanginginig ang kamay ko na marahang kinuha ang ticket na nakalahad. "Good. Wala na tayong oras, bilisan mo dahil oras na maabutan ka ni Dante, sisiguraduhin kong hindi mo makakasama ang kapatid ko ng maligaya." Napayuko ako at nahirapang huminga. Tumingin ako kay Miss Dianara at nakatingin lamang sya sa akin na nais na kumilos na ako. Napatango ako at tumingin sa bahay. Pumasok ako ng kwarto para mag ayos pero napapahagulgol lang ako. Ayokong iwan si Dante. Pero kung dahil sa akin kaya naaapektuhan ang trabaho at paniniwala nya ay wala na nga siguro akong karapatan na hindi sundin si Miss Dianara. Ayokong dahil sa akin ay mawawala sa trabaho si Dante. Alam ko na sobra syang dedikado sa trabaho nya. Kaya kahit masakit at ayokong iwan sya ay kailangan ko itong gawin. Nang makapagpalit ng suot at makaiwan ng message kay Dante ay lumabas ako. Agad na pinalabas ako ng penthouse ni Miss Dianara at pinasakay sa kotseng dala nya. Sa gitna ng highway ay bumaba si Miss Dianara at sumakay sa ibang kotse. Ihatid ako ng driver nya sa airport. Tila nakausap na rin at nasabihan ni Miss Dianara sila Papa. Kaya nang makita ko sila sa airport ay agad kong niyakap si Papa. "Papa..." "Shhh.. I'm sorry, Anak. Alam ko na dahil sa akin kaya nahihirapan ka ngayon. Pero para matahimik na tayo ay umalis nalang tayo." Tumango ako habang napapahagulgol. Inaya na kami ni Tiya at napahawak ako sa singsing. Sana ay mapatawad ako ni Dante. Ang saya-saya pa namin kagabi at nangako pa naman ako sa kanya na hindi ko sya iiwan pero anong ginawa ko? Heto't iiwan ko sya. Tumingin pa ako sa likod dahil baka bigla muling sumulpot si Dante. Pero habang palayo na palayo at nakapasok na kami ng departure area ay wala na. Iyak ako ng iyak habang nakatingin sa bintana ng eroplano. Hindi pa umaandar ang eroplano pero nang mag anunsyon na ang captain pilot ay wala na. Napahawak ako sa tiyan ko at hinimas. Mas lalo akong napaiyak. Pumikit ako at napatakip ng bibig ng unti-unti ng umangat ang eroplano. Paalam, Dante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD