KABANATA 16/PART 2 - PAKIUSAP

1091 Words
Pagdating sa police station ay hindi na ako makapaghintay. Pagkahinto ng kotse ay bubuksan ko sana ang pinto ng pigilan ako ni Dante kaya napatingin ako sa kanya. "Wait." Napahinga ako ng malalim. Nauna syang bumaba at umikot. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya agad akong bumaba. Agad nya akong hinawakan sa kamay kaya agad ko na syang inakay. Pagdating sa loob ng police station ay napatingin sa amin ang mga pulis. "Sir." bati ng mga ito na sumaludo kay Dante. "Pupuntahan namin si Mr. Garcia." Tumungo ang isang pulis na syang kausap ni Dante. Napatingin ito sa akin at tumalikod na. Napatingin ako kay Dante ng akayin nya ako. Tumingin ako sa nilalakaran namin at hindi ko ma-take na makulong si Papa rito. Malinis naman pero iba't-ibang preso na ang tiyak na gumamit ng kulungan. Nang makita ang pinaghintuan ng pulis na kulungan ay bumitaw ako kay Dante at agad na lumapit doon. Napaiyak ako ng makita si Papa na nakahiga sa isang double bed na higaan. "Papa.." Nagising ito at napabangon. Nang makita nya ako ay nagulat sya. "Anak.." Umiiyak na nilusot ko ang mga kamay ko. Agad ko syang hinawakan sa mukha at napaiyak ako lalo ng mahawakan ko ang mukha nya na nilalamig. "Papa, nilalamig kayo. Ayos lang po ba kayo rito?" "Ayos lang ako, Anak. Ikaw, ayos ka lang ba?" Tumango ako. "Pa, totoo po ba na kayo ang drug lord?" Hindi sya agad nakasagot. "Pa.." "Patawarin mo ako, Anak." Lalo akong napaiyak dahil sa pag-amin nya. May basehan naman pala noon sila Amy. "Pero, Papa, hindi naman po kayo gumagamit? 'Di ba po?" Umiling sya. "Hindi, Anak. Alam ko na nagkasala ako pero ayokong makulong rito, Anak." Tumango ako at tumingin kay Dante. "Dante, pakawalan nyo na si Papa. Wag nyo na syang ikulong, please." Tinignan nya ako at umalis sya sa pagkakasandal sa pader at halukipkip. "Hindi maaari, Anna. Nagkasala ang ama mo sa batas kaya hindi pwedeng baliin ko iyon." Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. "Pwes, hindi ako aalis rito. Sasamahan ko si Papa." "Anna.." Umiwas ako ng tingin at tumingin kay Papa. Hinawakan ko ang kamay nito. "Anak.." "Papa, sasamahan ko po kayo rito. Hindi po ako aalis hangga't hindi rin kayo lumalabas." "Anna, wag mo akong pahirapan. May kasalanan ang Papa mo kaya dapat lang syang makulong." Hindi ko pinakinggan si Dante. "Kung hindi lalabas si Papa rito, hindi ako aalis rito. Dito lang ako." Humawak ako sa bakal at bumaba para maupo sa sahig. Tumingin ako kay Dante na lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso para itayo. "Bitawan mo ako! Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo pinapalabas si Papa." Napahinga sya ng malalim at napahilot sa tulay ng ilong nya. Humawak ako sa binti ni Papa at hindi ako aalis rito hangga't hindi nya pinapalabas si Papa. "Bullshit!" Napatingin ako kay Dante na umalis. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero mabuti ng iwan nya ako rito kesa iwanan ko si Papa na naghihirap rito. "Anak, hindi na ako makakaalis rito. Sinintensyahan na ako ng habang buhay na pagkakakulong." Naupo si Papa para pantayan ako. Napaiyak muli ako sa sinabi nya. "Papa, bakit nyo po kasi ginawa iyon? Akala ko po ba chlorine ang business nyo? Nagsinungaling po kayo sa akin." "Pasensya na, Anak. Ang totoo ay meron talaga tayong company ng pagawaan ng chlorine pero nalugi ng mamatay ang Mama mo dahil napabayaan ko. Nangako ako sa Mama mo na hindi kita pababayaan at lahat ng kailangan mo ay pupunan ko. Kaya hindi na ako nakapag-isip ng tama ng alukin ako ni Mr. Switz na mag supply ng droga." Para akong nanghina sa sinabi nya. Nang dahil sa akin kaya nagawa ni Papa iyon. "Papa, kahit naman po hindi nyo maibigay ang lahat ng kailangan ko ay ayos lang po. Wala pong problema sa akin iyon. Sana po ay hindi na po kayo nakipagdeal kay Mr. Switz." Napaiyak sya at hinawakan ang kamay ko. "Anak, sumama ka sa Tiya mo. Mas mapapanatag ako kung nasa malayo ka. Ayokong balikan ka.." "No, she's not going anywhere. Anna, stand up." Hinila ako patayo ni Dante na hindi ko namalayan na nakabalik pala. Nagpumiglas ako sa kanya. "Bitawan mo ako! Hindi ako sasama sa'yo!" "We need to have deal, Mr. Garcia, Anna." Natigilan ako at napatingin sa kanya na naguguluhan. "A-Anong deal?" Tumingin sya sa akin ng seryoso. "Pakakawalan ko ang Papa mo, pero hindi ka na sasama sa kanya o makikipagkita. Sa akin ka na at ako na ang bahala sa'yo sa lahat." Napamaang ako. "Hindi ako papayag, Soriano! Wala kang karapatan na kunin ang karapatan ko sa anak ko!" "I have, Mr. Garcia." matigas na tugon ni Dante kay Papa, "She's my wife and I have evidence. And she's carried my child." Napayuko ako. "T-Totoo ba ang sinabi nya, Anak?" Napahikbi ako at tumingin kay Papa. Tumango ako kaya nakita ko ang lalo nyang pamumutla. "Siguro sinamantala mo ang anak ko! Hayop ka talaga! Menor de edad pa ang anak ko! Kaya wala ring bisa ang pagpapakasal nyo dahil hindi ko inaaprobahan iyon!" "Wala ng maraming satsat, Mr. Garcia. Pumapayag kayo sa kondisyon ko o mananatili kayo d'yan habang buhay?" Napapikit ako dahil kapag nakawala si Papa ay parang hindi ko na rin sya makikita. Pero kesa ikulong sya ay mas mabuti ng pumayag. Tumingin ako kay Dante. "Dante, wag mo naman na ipagkait na makita ko si Papa. Please.." Napatiim-bagang sya. "Anna, isang beses lang kita pagbibigyan kaya wag mong abusuhin ang pag sunod-sunuran ko sa'yo." Napayuko ako at napapisil ng kamay ko. "P-Pumapayag na ako." "Anak!" Napatakip ako ng mukha at napahagulgol. Wala na akong pagpipilian. Ang mahalaga ay makawala si Papa. "Let's go." Napaalis ako ng takip ng mukha ng kunin nya ang kamay ko at akayin ako. Pero huminto ako. "Si Papa.." "Palalabasin na sya rito at ihahatid sa inyo." "Hindi. Gusto kong makita na maayos na makauwi si Papa." Kita ko na nag-iipon lang ng inis si Dante. Nagmakaawa ako na binigyan sya ng tingin at humawak ako sa mukha nya. "Please.." Napahinga sya ng malalim at hinapit ako sa bewang. Hindi na sya sumagot at inakay na ako. Tumingin ako sa likod at kita ko ang mga pulis na napailing habang binubuksan ang kulungan ni Papa. Naghintay kami sa kotse at walang imik si Dante. Hindi pa lumalabas si Papa pero nang makita ko ito ay napaayos ako ng upo. "Ihatid natin si Papa sa bahay." "Anna.." "Please.." Napahinga sya ng malalim at tumango kaya napahinga ako ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD