Napatayo ako mula sa sofa ng makita ang paglabas ni Papa at Dante sa opisina ni Papa. Kita ko na tila hindi maganda ang mood ni Papa habang si Dante ay seryoso lamang ang mukha.
"I have to go, babe." paalam ni Dante.
"Anong pinag-usapan niyo?"
Ngumiti siya at hinalikan niya ako sa noo. Nahiya ako dahil nakaharap si Papa.
"Wala. Meron lang akong pinaliwanag sa Papa mo."
Napahinga ako ng malalim at napatango.
"I have to go.."
Tumango ako at tumingin kay Papa.
"Pa, hatid ko lang po sa labas si Dante."
Tumango si Papa pero tila hindi naman sang-ayon ngunit wala lang pagpipilian.
Lumabas kami ni Dante at sinara ko ang gate ng makalabas kami.
"Mag-iingat ka sa daan."
"Yes, I will."
Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan ako sa labi kaya napahawak ako sa dibdib niya. Saglit lang dahil agad akong bumitaw.
"Nakakahiya. Makita pa tayo ni Papa."
"I don't care."
Natawa siya ng hampasin ko sya sa dibdib. Hinaplos nya ang mukha ko at kinantilan pa ako ng isang halik bago nya ako dahan-dahan na bitawan.
"Papasok lang ako sa office. Tatapusin ko na ang naiwan ko para makarating sa graduation mo."
Napangiti na tumango ako.
"Okay. Bye-bye."
Ngumiti sya at tumalikod. Napahinga ako ng malalim at bumigat ang paghinga ko dahil nalulungkot ako na hindi ko masabi sa kanya na aalis na ako pagkatapos ng graduation ko.
Gusto kong sabihin pero nangako ako kay Papa. Nakatanaw ako sa kotse ni Dante na palayo. Hanggang sa hindi ko na ito matanaw.
Pumasok muli ako sa loob at naabutan ko si Papa na tulala. Napaangat sya ng tingin ng marinig ang yapak ko.
"Anna, pack your things now."
"P-Po?"
"Pagkatapos na pagkatapos ng graduation mo ay sasama ka na sa Tiya Olivia mo."
Hindi ako makakilos at lalong bumigat ang pakiramdam ko.
"P-Pero Papa, bakit agad-agad? H-Hindi po man lang ba natin ise-celebrate ang graduation ko?"
Napaiyak ako na lumapit kay Papa at naupo sa tabi nya. Niyakap nya ako kaya napayakap ako rito habang hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko.
"Pasensya ka na, Anak. Kailangan muna natin na magtiis. Aayusin ko muna ang lahat ng problema ko at ayokong madamay ka. Wag kang magtatampo kay Papa. Pangako ko na babawi ako sa'yo."
Napahikbi ako at napasubsob sa leeg nya. Wala naman na akong magagawa dahil nakapagdesisyon na si Papa. Pero masyado lang ako nalungkot dahil bukas ay graduation ko na at wala na akong oras na makakasama sya at si Dante.
Bumitaw ako ng yakap sa kanya at tumingin ako sa kanya.
"Pa, pwede po bang makasama ko si Dante kahit ngayong araw lang po. Gusto ko lang po na makasama sya kahit sandali bago pa man po ako umalis."
"Sige, pero wag mong sasabihin sa kanya na aalis ka. Ayokong malaman nya."
Tumango ako. Tumango sya at hinalikan ako sa noo. Tumayo na ako at pumanik sa taas para magpalit ng suot. Nagsuot ako ng pantalon at gray shirt ko. Kinabit ko sa buhok ko ang hairpin na bigay sa akin ni Dante. Hinaplos ko ito dahil mahalaga na sa akin ito. Ito ang unang bigay sa akin ni Dante na maliit man pero very precious gem for me.
Kinuha ko ang back pack kong itim na leather at agad na akong lumabas ng kwarto. Nagpahatid ako kay Mang Rey pero bago iyon ay nagpadaan muna ako sa isang karinderya. Bumili ako ng isang bilaong palabok at pancit na may kasamang puto.
"Para saan ba ang lahat ng iyan, Anna?" tanong ni Mang Rey ng maisakay ang lahat ng inorder kong bilaong palabok at pancit.
"Dadalhin ko po sa office ni Dante. Gusto ko lang pong magpakain sa kanila bago pa man ang graduation ko po."
Bigla akong nalungkot pero hindi ko pinahalata kay Mang Rey.
"Balita ko ay sasama ka na sa tita mo sa abroad pagkatapos ng graduation mo."
Tumango ako.
"Opo.. Mamimiss ko nga po kayo."
Ngumiti sya habang tinitignan ako sa rear mirror at habang nagdadrive sya.
"Mamimiss ka rin namin. Napakaligayahing bata mo at napakabait. Kaya nga kung nagkaanak lang ako ng lalake, e, baka paligawan kita."
Natawa naman ako.
"Kayo talaga.."
"Pinapatawa lang kita.. Napansin ko kasi na mula ng magkanobyo ka, e, parang may nagbago sa'yo at sa Papa mo."
Mapait na ngumiti ako.
"Ayaw po kasi ni Papa kay Dante."
"Paano kasi, Anna, masyadong matanda sa'yo si Soriano. Hindi kaya ginagamit lang nya ang kainosentehan mo?"
Umiling ako rito at ngumiti.
"Hindi po ganun si Dante. Mahal nya po ako kaya po alam ko na hindi po nya ako niloloko."
"Ewan ko lang.. Pero hindi maganda ang kutob ko sa taong iyon."
Napailing nalang ako kay Mang Rey at tumingin sa labas ng mapansin kong narito na kami sa opisina ni Dante. Bumaba ako at kinuha ang lahat ng pagkaing binili ko.
"Mang Rey, wag nyo po akong hintayin, magpapahatid nalang po ako kay Dante."
"Bitbitin ko muna iyan hanggang sa loob."
Ngumiti ako.
"Kaya ko na po. Magaan lang naman po ito."
Napahinga sya ng malalim tila ba wala na syang magagawa sa katigasan ng ulo ko. Tinuturing ko rin na pangalang ama si Mang Rey dahil napakatagal na nyang naninilbihan sa amin at napakabuti nya bilang driver namin.
"Sige, maiwan na kita."
Tumango ako kaya sumakay na sya ng sasakyan. Humakbang na ako patungo sa entrance ng head office ni Dante. Nakita ako ng mga tauhan nya.
"Magandang araw, Miss."
"Magandang araw rin po sa inyong lahat.. Uhm, si Dante po?"
Nagkatinginan pa sila.
"Nasa office nya, Miss. May bisita kasi sya."
"Ah, ganun ba. Sige, puntahan ko nalang sya."
Tumango ang mga ito kaya naglakad ako patungo sa opisina ni Dante. Pagdating sa harap ng pinto ay nilagay ko muna sa isang kamay ang isang bilaon at pinihit ko ang seradura ng pinto. Dahan-dahan kong binuksan at pumasok ako. Tumingin ako sa loob at napamaang ako ng makita na sinampal ni Dante ang isang maganda, sexy, at tila sophistakadang babae.
"Don't you dare, Brigette."
Hindi ko alam ang gagawin dahil tila nagkakainitan sila ng babae.
Sino ba ito?
"U-Uhm.."
Napalingon sila sa akin at nakita ko na nagbago ang expression ni Dante na lumambot kesa kaninang matigas at galit na galit.
"Leave." aniya.
"A-Ah sige."
Nabigla ako ng ako ang paalisin nya. Paano kasi, nag-uusap sila tapos pumapasok ako ng walang paalam.
Lalabas na sana ako ng may pumigil lang sa braso ko kaya napalingon ako.
"Not you, babe." aniya at tumingin sya sa babae, "Leave, Brigette."
"I'm not done, Dante."
Tinignan pa ako ng masama ng babae kaya napalunok ako sa kaba. Pinulot nito ang bag at nagdadabog itong lumabas.
"Namiss mo ako, babe."
Napatingin ako kay Dante at nakahinga ng maluwag.
"Sino iyon? Bakit sinampal mo sya?"
Ngumiti sya at napatingin sa hawak ko.
"What's this?"
Hindi nya ako sinagot.
"Ah, meryenda sana sa inyo ng mga tauhan mo. Bukas na kasi graduation ko 'di ba? Kaya magpapakain na ako ngayon."
Kinuha nya ang dala ko at naglakad sya palapit sa sofa kaya sumunod ako. Nilapag nya sa lamesa ito at naupo sya. Tumingin sya sa akin kaya naupo ako sa tabi nya.
"Dapat hindi ka na nag-abala.. Pero salamat rito at tiyak na matutuwa ang mga ugok."
Napahawak ako sa hita nya ng akbayan nya ako.
"Sino ba yung babae? Bakit mo sya sinampal?"
Tumingin ako sa kanya. Tumingin sya sa akin at pinisil nya ang balikat ko.
"Remember the girl on the phone when we first met?"
Napaisip ako at naalala ko na meron nga palang tumawag sa kanya noon na sigawan ba naman ako sa kabilang linya ng ako ang sumagot sa tawag.
"Sya ba 'yon?"
Natawa sya sa reaksyon ko at pinisil ang pisngi ko kaya hinawi ko ang kamay nya.
"Yeah. Unfortunately, she's the girl that my parents want for me."
Napanguso ako at napaiwas ng tingin.
"Bakit mo sya sinampal? Nananakit ka pala ng girl."
Hinawakan nya ako sa mukha at ipatingin nya ako sa kanya.
"Sinampal ko sya dahil gusto nyang sirain tayo. At nasampal ko lang naman sya dahil gusto nya akong halikan.. Ngayon, sabihin mo, hindi ko ba dapat sampalin ang kagaya nya?"
Napabuka-sara ang bibig ko at hindi ko alam ang sasabihin dahil nagkamali ako.
"G-Gusto ka nyang halikan?"
Tumango sya.
"Yeah.. Kaya ko naman saktan ang ibang babae, pero hindi ikaw. At isa lang ang gusto kong halikan...at ikaw iyon."
Hindi ko mapigilan na mapangiti kaya napangisi sya. Pinisil ko ang ilong nya kaya napatili ako ng bumaba ang kamay nya sa bewang ko at hinapit ako para mapaupo sa kandungan nya.
"Damn, kakahiwalay lang natin kanina pero ngayon ay gigil na gigil na naman ako sa'yo."
Hinalikan nya ang braso ko habang pisil-pisil ang bewang ko. Humawak ako sa batok nya at hinaplos ko ang mukha nya habang natingin sya sa akin.
"Ako man.. Miss na miss kita. At gusto kong sulitin ang araw na ito."
Ngumiti sya.
"Bakit tila gusto ng babe ko na masolo ako ngayon?"
"Bakit, bawal ba?"
Umiling sya at ngumisi.
"Hindi. Dahil mas gusto ko iyon."
Humawak ako sa kamay nya ng humawak ito sa dibdib ko at pinisil.
"Ano ka ba. Mamaya may makakita, nakakahiya."
"Walang papasok ng room ko hanggang hindi sila kumakatok. Kaya wag kang mag-alala."
Tinaas nya ang t-shirt ko kaya napahawak ako sa ulo nya nya ibaba nya ang cup ng bra ko para lumitaw ang isang dibdib ko. Napamaang ako habang nakatingin sa kanya na sinubo ang dibdib ko at sinipsip.
Tumingin ako sa pinto dahil kahit sinabi nya iyon ay nangangamba parin ako.
"Bigyan mo nitong dala ko ang mga tauhan mo. Baka masira pa ito."
Bumitaw sya sa dibdib ko at tumingin sa akin habang pisil-pisil ng kamay nya ang dibdib kong hinalikan nya.
"Okay, papatawag ko si Dex."
May inabot sya sa lamesang telephone kaya umayos ako ng upo sa kandungan nya at inayos ko ang bra at t-shirt ko.
"Dex, come here in my office. Now."
Pagkatapos nyang tawagan si Dex ay binaba na nya ang phone at tumingin sa akin.
"Where's my kiss, Babe."
"Ikaw talaga. Napakahilig mo."
"Sa'yo lang. Dalian mo na at parating na si Dex."
Kaya wala rin akong choice kundi ang ilapit ang labi ko sa kanya. Agad nyang sinunggaban ang labi ko at pinalalim ang halik namin. Napahawak ako sa mukha nya at nakipagpalitan sa kanya ng halik.
Nang may kumatok ay agad na akong bumitaw. Hahabulin sana nya ang labi ko pero pinigil ko ang labi nya at pinunasan.
"Nandyan na si Dex."
Aalis sana ako sa kandungan nya pero hindi nya ako hinayaan at mahigpit syang humawak sa bewang ko.
"Come in."
Napatingin ako sa pinto at pumasok na nga si Dex. Napatingin ito sa amin at ngumiti ito.
"Hi, Anna. Long time, no see."
"Oo nga.. Long time, no see din."
"May dala si Anna at ipakain mo sa iba. Ubusin kamo nila at ayokong makita na hindi nila uubusin ang dala ng babe ko."
Tumingin ako kay Dante dahil sa sinabi nya. Pasimpleng kinurot ko ang dibdib nya at tumingin ako kay Dex.
"Tirhan nyo rin si Dante."
"Okay." lumapit si Dex at kinuha ang bilaon ng palabok at pancit.
"No, I'm okay, babe. Sa labas tayo kakain."
"Huh? Pero may dala na nga ako."
Napatayo ako ng itayo nya ako. Tumayo rin sya at sinundan ko sya ng tingin ng magpunta sya sa table nya.
"Kulang pa sa kanila iyan kaya hayaan muna sa kanila. Gusto kong labas nalang ng mailabas din kita."
Napahinga ako ng malalim at tumango. Tumingin ako kay Dex na ngiting-ngiti habang sumisipol.
"Congrats nga pala, Mrs. Soriano." bulong nya sa akin.
Namula ako sa sinabi nya ngunit naguluhan ako.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Let's go, babe. Dex, shut your mouth."
Napatingin ako kay Dante na hinawakan ako sa kamay at kinuha ang bag kong dala. Hindi ko na nalaman ang ibig sabihin ni Dex dahil inakay na ako ni Dante palabas ng office nya.
"Ano bang ibig sabihin ni Dex?" tanong ko ng makasakay kami ng kotse nya.
"Wala iyon. Wag mo ng pansinin ang sinasabi nya."
Tumango ako at tumingin sa daang tinatahak namin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Kahit saan.. Gusto mo ay sa pinupuntahan natin? Bumili muna tayo ng pagkain bago magpunta doon."
Napangiti naman ako at tumango kaya ngumiti sya. Binilisan na nya ang patakbo at ilang sandali lang ay narito na kami sa mall.
Hawak-kamay kaming naglakad papasok ng mall. Pinagtitinginan nga kami. Pero alam ko na si Dante dahil ang tangkad nya sa akin at agaw pansin ang kagwapuhan nya. Nakauniform pa sya.
Inakay ko sya ng makita ang grocery. Hatak-hatak ko sya papasok at binitawan ko lang ang kamay nya para kumuha ng stroller.
"Ako na dito." aniya kaya binigay ko sa kanya.
Tulak-tulak nya ang stroller habang ako ay tumitingin na sa mga paninda. Kumuha ako ng ilang chichirya at drinks. Pati chocolate dahil tila natatakam ako doon.
Nakakita ako ng dried mango kaya kinuha ko iyon.
"Tara rito, babe."
Tumingin ako kay Dante na nakatingin sa isang estante kaya binitawan ko ang tinitignan kong candy at lumapit sa kanya. Nakita ko na puro beauty product at accessories for women. At iba pang pambabaeng gamit.
"Naisip ko na bumili ng gamit mo para ilagay sa bahay. Ano ba ang ginagamit mo? Bumili na tayo."
"Huh? Bakit naman? Wag na.."
"C'mon, babe. Paano kung gusto kong matulog ka na sa bahay araw-araw? Magandang may gamit ka para hindi panlalake ang nagagamit mo."
Nais ko sana sabihin sa kanya na hindi ko naman magagamit pa iyon dahil aalis na rin ako bukas pero baka magtaka sya kaya wala akong choice. Kumuha ako ng shampoo, conditioner ko, femenine wash, at iba pa. Pero kaunti lang dahil baka masyado syang gumastos tapos hindi ko na rin naman magagamit.
Nakita ko na ngiting-ngiti sya kaya lihim na napangiti ako dahil alam kong masaya sya.. Nang mabili ang lahat ng kailangan ay nagbayad na kami.
Nakita ko na napapacute ang babaeng cashier kay Dante. Kaya humawak ako sa braso ni Dante. Tumingin sa akin si Dante kaya ngumiti ako.
Napabitaw ako sa braso nya ng akbayan nya ako. Lumapit ang bibig nya sa tenga ko.
"Are you jealous, babe?"
Namula ata ang buong mukha ko sa sinabi nya. Hinampas ko ang tiyan nya pero natawa lang sya.
"3,597. 00 lahat, Sir." agaw-pansin ng cashier na nagpapacute kay Dante.
Tumingin doon si Dante at tinignan nya kung tama ang nakalagay sa price. Naglabas sya ng black card at inabot sa babae.
Nang makabayad ay inakay na ako ni Dante at nilapitan namin ang pinamili namin na nilagay sa stroller.
"Bakit ka naman nagseselos, babe?" tanong nya habang tulak-tulak nya ang stroller gamit ang isang kamay habang ang isa nyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.
"Hindi no." tanggi ko at ngumuso.
"Don't lie. I know you."
"Oo na.. Paano kasi mas maganda ang cashier kesa sa akin. Tapos ayos lang sa'yo na magpacute sya."
Natawa sya kaya napatingin sa amin ang guard na nasa exit. Sinaluduhan ng guard si Dante na tinanguan lang nya.
"Malabo na nga ang mata mo, Babe."
Napailing sya at nang makarating sa kotse nya ay nilagay nya sa backseat ang mga pinamili namin.
Nang mailagay ang lahat ay sinara nya ang pinto at humarap sya sa akin.
"Babe, mas maganda ka doon at hindi ako nagagandahan sa babaeng sinasabi mo."
Napalapit ako sa kanya ng hawakan nya ako sa bewang at hinapit.
"Talaga?"
"Oo. Kaya wag kang magseselos na walang dahilan. Dahil hindi ako tumitingin sa ibang babae bukod sa'yo."
Napangiti naman ako at napayakap sa kanya.
"I love you, Dante."
"I love you, too, babe.. Let's go."
Tumingin ako sa kanya at tumango. Binaba nya ang mukha at hinalikan ako sa noo. Umalis sya sa pagkakasandal sa pinto at pinagbuksan nya ako kaya bumitaw ako ng yakap sa kanya at sumakay.
Nang makasakay sya ay binuhay nya ang sasakyan. Pinindot ko naman ang music player at nilagay sa magandang istasyon para malibang naman kami habang patungo sa lugar kung saan kami nagpupunta.
Susulitin ko na ang araw na ito. Naisip ko na kung sasabihin ko rin kay Dante ay baka hindi sya pumayag na umalis ako at baka hindi ko rin kayang magpaalam. Alam ko na maiintindihan nya ako kapag nalaman nya na ginagawa ko ito para na rin kay Papa.
Pagdating sa bangin kung saan tanaw ang maraming bahay at magandang tanawin ay bumaba na kami.
Napangiti ako dahil may dala pala syang blanket. Nilapag nya iyon sa lupa at kinuha ang mga pinamili naming pagkain at nilapag doon lahat.
"Tara rito, babe."
Natawa ako ng pangkuin nya ako at lumapit sya sa blanket. Naupo sya at inupo nya ako sa pagitan ng legs nya.
"Ang ganda talaga rito at ang sarap ng hangin."
Yumakap sya sa akin at pinatong sa balikat ko ang baba nya.
"Binili ko na itong buong tuktok. Kaya walang ibang makakaakyat dahil pinasarado ko para sa atin."
Napamaang ako na nilingon sya. Pero hinalikan nya ako kaya hinampas ko ang hita nya na kinatawa nya.
"Kaya pala nagtataka ako na may nakalagay ng sign board tapos nakasulat ay 'private property'."
"Pinalagyan ko talaga para alam ng iba na may nagmamay-ari na nitong lugar. Magpapagawa ako sa tuktok ng rest house para kapag gusto mong pumunta rito ay pwede kahit kailan."
Napangiti naman ako at ako na ang humalik sa kanya na kinangiti nya.
"Salamat. Ang saya-saya ko dahil kasama kita."
Hinigpitan nya ang yakap sa akin at tumitig sa labi ko.
"Gusto mo magsama na tayo?"
Umiling ako.
"Wag muna."
Napahinga sya ng malalim.
"f**k. Gusto na kitang kasama sa bahay palagi. Pero hindi muna ngayon kahit may karapatan naman ako."
Pinisil ko ang labi nya.
"Wag kang mag mura. Nakakailang."
Hinawakan nya ang kamay ko at napamaang ako ng isubo nya ang isang daliri ko at sinipsip. Para naman may elektrisidad na gumapang sa katawan ko. Inalis ko ang daliri ko dahil kinikilabutan ako.
Pero napasinghap naman ako ng sakupin nya ang labi ko. Napahawak ako sa hita nya at napapikit na tumugon sa halik nya. Napakasarap nyang humalik at ang lambot ng labi nya kaya talagang natatangay ako.
Napadilat ako ng magbitaw kami. Huminga kami ng malalim at napangiti sa isa't-isa. Sumandal ako sa dibdib nya at tumingin sa tanawin..
Kinuha nya ang isang chips at binuksan. Sinubuan nya ako kaya sinubo ko pero nagulat ako ng kumagat rin sya. Hinampas ko sya na kinangisi nya at hinalikan ako bago nya nguyain ang chips.
"Ang sarap pala nito."
"Heh!"
Natawa sya at sinubuan muli ako. Sinubo ko at agad kong tinakpan ang bibig nya na kinahalakhak nya. Napailing ako at inabot ang tubig.
"Damn, marunong na ang babe ko."
"Akala mo, ha." sabi ko at uminom ng tubig.
Pagkatapos kong uminom ay hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa bote at uminom rin sya. Napangiti ako at pinainom sya.
Kinuha ko naman ang dried mangoes para iyon ang papakin. Natatakam talaga ako.
"Mahilig ka ba sa ganito?" tanong nya.
"Hindi naman. Natakam ako rito kaya kinuha ko."
Sumubo ako at napatango ako dahil masarap. Sinubuan ko rin sya at umiling sya.
"Ayoko. Ang asim."
Natawa ako dahil umasim talaga ang mukha nya. Ngayon ko lamang nakita ang reaksyon nyang ganun kaya tuwang-tuwa ako. Pinindot ko ang pisngi nya kaya napatingin sya sa akin.
"Bakit? May dumi ako sa mukha?"
Umiling ako.
"Wala. Gusto ko lang pagmasdan ang mukha mo."
Ngumiti sya at hinagod ang buhok nya.
"Gwapo ba?"
Tumango ako at ngumiti.
"Oo, napakagwapo mo."
Nakita kong namula ang pisngi nya kaya lalo akong napangiti.
"Tinatablan ako sa sinabi mo."
"Halata nga. Nag-blush ka."
"Sa'yo lang ako kinikilig."
"Wow! Kinikilig ka talaga?"
Ngumisi sya at pinisil ang pisngi ko.
"Oo. Pero mas lamang na tinatayuan ako kapag ganitong malapit ka."
Namula ako at kinurot sya sa dibdib dahil tila ako nababarahan ng laway sa sinabi nya.
"Ang bastos mo."
"Bakit? Totoo naman. Parang hindi mo nakita ang pagkalalake ko."
Umirap ako at sumubo nalang ng dried mangoes. Natawa sya at hinawi ang buhok ko para iipit sa tenga ko. Tumanaw kami sa tanawin habang tahimik lang at kumakain ng binili namin.
Inabot na kami doon ng gabi na walang ibang ginawa kundi ang lambingin ang isa't-isa. Napagdesisyunan namin na umuwi na dahil mahamog na rin.
"Sa bahay ka na matulog at ihahatid nalang kita bukas sa inyo." aniya kaya napatingin ako sa kanya.
"Wag na. Baka ma-late ako sa graduation ko bukas. Sa amin nalang ako matutulog."
Sinulyapan nya ako sandali.
"Please, babe, doon na. Pangako, hindi ka malalate. Magpapatawag din ako ng make-up artist para magbibihis ka nalang sa bahay nyo."
"Pero Dante, gagastos ka na naman."
"Walang problema do'n. Gagastusan kita kahit magkano. Lahat ng pangangailangan mo ay kaya kong punan."
Napahinga ako ng malalim.
"Bakit parang sigurado ka na sa huli ay tayo parin? Paano kung may gawin ako tapos magalit ka? Baka manghinayang ka sa gagastusin mo sa akin."
Tumingin sya sa akin.
"Sigurado talaga ako na akin ka parin hanggang sa kahuli-hulihan ng hininga ko. At kung may gagawin ka na ikagagalit ko, siguraduhin mo lang na wag ang makipaglandian sa ibang lalake dahil sinasabi ko sa'yo na matindi ako magalit. Hindi rin ako manghihinayang dahil alam ko na may karapatan akong gastusan ka."
Napalunok naman ako ng kunin nya ang kamay ko at halikan ang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing na bigay nya.
Nung minsan na alisin ko ang singsing ko dahil maliligo ako at baka mawala sa daliri ko. Pero ayaw nitong maalis at tila ba sinakto talaga para hindi maalis sa daliri ko.
Hindi na ako nakaimik sa sinabi nya dahil medyo nakaramdam ako ng takot ng dumaan sa mata nya ang galit pero saglit lang.
Pagdating sa penthouse ay umuulan na. Nauna akong pumasok at sya ay kinuha ang pinamili namin.
Naupo ako sa sofa at napagod din kasi ako kahit maghapon lang kaming nakaupo sa blanket.
Tinignan ko sya na bitbit ang pinamili namin na dinala sa kwarto. Mga gamit ko nalang kasi iyon na binili nya para sa akin.
Ilang sandali lang ay heto na sya. Naupo sya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Gusto mo bang kumain na? Magluluto ako?"
"Uhm, sige, hindi naman ako nabusog sa kinain natin. Gusto ko ng maasim, ha."
"Paano ka hindi mabubusog, kaunti lang kinain mo sa binili natin."
Tumayo na sya.
"Parang hindi ko na pala type ang chips. Naghahanap ako ng mga maasim."
Nakita ko na napakuno't ang noo sya at lumuhod sa harap ko.
"May iba ka bang nararamdaman?"
Umiling ako. Napahinga sya ng malalim at inalis ang sapatos ko sa paa. Nang maalis nya ay tumayo na sya muli.
"Dito ka muna at magluluto lang ako."
Tumango ako kaya umalis na sya. Inabot ko ang remote ng t.v nya at naisipan na manood nalang. Nakita ko na cartoons ang palabas kaya nag-enjoy naman ako dahil ang cute.
Pero nang maamoy ko ang niluluto ni Dante ay nawala sa pinapanood ko ang atensyon ko. Pinatay ko ang telebisyon at tumayo ako. Tinungo ko ang kusina at napangiti ako ng makita na seryosong nagluluto sya.
Napatingin sya sa akin.
"Oh, hindi pa luto ito." sabi nya.
"Naamoy ko kasi ang bango ng luto mo."
Lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang nya mula sa likod nya. Tinignan ko ang niluluto nya.
"Parang ang sarap nya'n. Sinigang na baboy."
"Gusto mong tikman?"
Tumango ako kaya napangiti sya at sumandok ng sabaw. Humarap sya sa akin at inuma sa bibig ko ang kutsarang may lamang sabaw.
Napatango ako ng mahigop ko.
"Ang sarap. Saan ka ba natutong magluto?"
Hinarap nya muli ang niluto at tinakpan. Humarap sya sa akin at napakapit ako sa leeg nya ng buhatin nya ako. Kaya napayakap ang legs ko sa bewang nya.
"Natuto ako sa dati kong yaya. Busy kasi sila Mommy sa negosyo kaya si Yaya ang laging kasama ko at natuto ako ng turuan nya ako."
Inupo nya ako sa high chair habang nasa pagitan sya ng legs ko. Humawak ako sa balikat nya.
"Mabuti ka pa marunong. Ako hindi."
Napangiti sya.
"Ayos lang 'yan. Ang mahalaga sa akin ay marunong kang kumain."
Ngumiti ako at hinaplos ang mukha nya. Pinagmasdan ko ang mukha nya at sinaulo para palagi kong aalalahanin habang malayo ako sa kanya.
"Dante, mamimiss kita."
Nakita ko na naguluhan ang reaksyon nya pero nakangiti sya.
"Bakit parang nag-eemote ka, ha? May dapat ka bang sabihin sa akin, babe?"
Umiling ako at yumakap ako sa kanya. Napapikit ako at napaluha.
"Wala. Gusto ko lang sabihin iyon."
Yumakap sya sa akin pabalik at hinalikan ang pisngi ko.
"Gusto ko iyang pagkabokal mo, Babe. Alam ko na mahal na mahal mo ako."
Tumango ako. Pinunasan ko ang luha ko at bumitaw ng yakap.
"Baka maubos ang sabaw ng niluluto mo." natatawa kong sabi.
Natawa sya at umalis sa harap ko para harapin ang niluluto nya. Nang maluto na ay nagsandok na sya kaya bumaba ako para kumuha ng plato namin.
Nang ayos na ay naupo na kami at pinagsandok ko sya. Dahil kapag kakain kami rito sa bahay nya ay sya ang laging nagsasandok sa akin. Ngayon ay ako naman. Pagsisilbihan ko sya ngayon.
Nakatitig sya sa akin habang ginagawa iyon at nakahalumbaba sya.
"Parang may kakaiba sa'yo, babe." aniya.
Napangiti naman ako at tinignan sya.
"Ano naman iyon?"
Napailing sya at ngumiti.
"Parang sobrang sweet mo. Pero gusto ko iyon."
Napangiti ako lalo at tumingin na sya sa plato nya.
"Pagsisilbihan kita ngayon."
Napalingon sya at ngumisi.
"Talaga? Pagsisilbihan mo ako ngayon?"
Tumango ako.
"Oo."
Medyo lumapit sya sa akin at hinalikan ang balikat ko.
"Kahit anong gusto ko ay gagawin mo?"
Mahinang tinulak ko ang noo nya gamit ang daliri ko.
"Alam ko na ang nasa utak mo. Araw-araw mo na akong ginagalaw, hindi ka parin matigil."
Ngumisi sya at gumapang ang kamay nya sa dibdib ko.
"Magandang habang bata ka pa ay dapat binabaliw na sa pang-aangkin ko. Para hindi mo maisipan na ipagpalit ako."
Inalis ko ang kamay nya sa dibdib ko at inirapan sya.
"Para namang malandi ako sa sinabi mo."
Hinawakan ko ang kutsara pero napatingin ako sa kanya ng ipatingin nya ako sa kanya.
"Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang naman na makasiguro na hindi mo ako ipagpapalit."
Napahinga ako ng malalim.
"Bakit naman kita ipagpapalit?"
"Dati ka na nagkagusto sa iba, 'di ba? Posibleng magkagusto ka rin sa iba kapag nagsawa ka sa akin."
Nakita ko ang paglunok nya at napababa sya ng tingin. Kaya agad akong umiling.
"Hindi kita ipagpapalit. Promise."
Napatingin sya sa akin.
"Promise?" hinawakan nya ang mukha ko kaya ngumiti at tumango ako.
"Good." nilapit nya ang mukha at hinalikan ako. Saglit lang ding naglapat ang labi namin at ngumiti kami sa isa't-isa.
"Kain na tayo."
Tumango sya at pinagsandok naman ako. Nang malagyan ang plato ko ay humigop ako ng sabaw.
Habang kumakain ako ay bigla akong natigilan. Napahawak ako sa bibig ko at para akong masusuka.
"Babe, are you okay?"
Tumingin ako kay Dante at tumango.
"O-Oo. Medyo parang bumabaliktad lang ang sikmura ko."
Hinimas nya ang likod ko.
"Uminom ka ng tubig. Baka nabigla ka."
Tumango ako at humawak sa basong inuma nya sa bibig ko. Uminom ako at nang makainom ay napahinga ako ng malalim.
Napahilot ako sa noo ko dahil para akong biglang nahilo.
"Ayos ka lang ba talaga?"
"Oo. Kain na tayo."
Ngumiti ako sa kanya para hindi na sya mag-alala. Kinakabahan ako dahil baka may sakit na ako. Nang sumubo muli ako ay para akong maduduwal.
Napahawak ako sa bibig ko at agad akong bumaba ng high chair at tumakbo sa lababo. Napasuka ako pero wala namang lumalabas kundi tubig.
"Hindi ka ayos, babe."
Nagpunta si Dante sa likod ko at hinagod ang likod ko.
"Parang alam ko na ang dinaramdam mo."
Lumingon ako sa kanya at napangiti sya na niyakap ako.
"Damn, finally." bulong nya at humawak sya sa tiyan ko at hinaplos.
Naguguluhan ako.
"Anong ibig mong sabihin?"
Hinalikan nya ako sa pisngi at napangiti sya.
"Wala ka na talagang kawala sa akin. Damn!"
Hinarap nya ako sa kanya at napasinghap ako ng halikan nya ako ng sabik. Medyo tinulak ko sya kaya napabitaw sya.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan."
Hinapit nya ako sa bewang at muling hinalikan. Hindi nya ako sinagot at para syang tuwang-tuwa sa klase ng halik nya. Naguguluhan ako.