Hinaplos ko ang mukha ni Dante habang nakasubsob sya sa dibdib ko at mahigpit akong yakap. Hindi ko maunawaan kung bakit bigla syang tila naging ganado at sobrang saya.
Nauwi tuloy kami muli sa pagtatalik dahil hindi ko sya makontrol. Para syang mas naging sabik habang masayang-masaya sya.
Umungot sya at gumalaw kaya nawala ako sa iniisip ko. Napangiti ako ng parang bata syang yumakap sa akin kahit napakalaking damulag nya kesa sa akin.
Hinalikan ko ang ulo nya at napangiti na pumikit na ako para matulog na rin. Tiyak na antok na antok ako nito bukas dahil anong oras na ako matutulog ngayon.
Pero ayos lang. Dahil ngayong gabi ko nalang muli makakapiling si Dante. Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanya.
Nakatulog ako ngunit alam ko ang pagtulo ng luha ko sa lungkot. Nagising lamang ako ng may lumalapat sa labi ko. Napakusot ako ng mata at nakita ko ang ngiting-ngiting si Dante.
"Good morning, babe. How's your sleep?"
Hinalikan nya muli ako kaya natawa na pinisil ko ang pisngi nya na kinabitaw nya sa labi ko. Nagkatinginan kami at pareho kaming napangiti.
"Damn. Mas lalo akong nababaliw sa'yo."
Kinuha nya ang mga kamay ko at hinalikan habang nakatingin sya sa akin.
"Oo na, Mr. Soriano, baliw ka nga sa akin."
Ngumiti sya at napatili ako ng dumagan sya sa akin. Pinagdikit nya ang noo namin at dinampian ako ng isang halik.
"Pagkatapos ng graduation mo ay plano ko na tumira ka na rito. Hindi ka na pwedeng umayaw dahil hindi ako papayag. Kailangan ko nang mamonitor ang kalusugan mo at pati ang kilos mo para maging maayos ang lahat."
Natigilan ako sa sinabi nya. Napalunok ako at pilit na ngumiti.
"Dante, 'di ba napag-usapan na natin na hindi pa pwede.. Tsaka ayoko pang iwan si Papa."
Tinukod nya ang mga braso sa pagitan ng mukha ko at tumitig sya sa akin ng seryoso na kinakaba ko.
"Hindi ka na makikipagtalo sa akin patungkol doon, babe. Napagbigyan na kita kaya ako naman ngayon ang masusunod. Ako na ang bahala sa'yo kaya magsasama na tayo."
"P-Pero Dante.."
"Where's your endearment to me?"
Ngayon ay ngumiti na sya at hinaplos ang pisngi ko. Napanguso ako dahil ayaw talaga nyang pag-usapan pa ang mga napagdesisyunan na nya. Hinalikan nya muli ako kaya nawala ang pagnguso ko. Mahinang hinampas ko ang dibdib nya na kinangiti nya.
"Nakakainis ka naman, e."
"What?" natawa pa sya.
Umirap ako at sinubukan ko syang itulak sa dibdib pero hindi ko kaya. Ngumisi sya at pinagparte ang legs ko.
"Bumangon na tayo at baka ma-late pa tayo sa graduation ko."
"One round muna, babe."
"Ayoko nga.. Dante!"
Napadaing ako ng idiin nya ang pagkalalake nya sa akin. Pinalo ko sya sa balikat at napasimangot na tinignan ko sya.
"Okay, hindi ka na mabiro."
Hinawi nya ang kumot na nakatabon sa amin at bumangon sya. Napaiwas ako ng tingin ng bumalandra sa aking mata ang nakatayo nyang pagkalalake. Natawa sya at namutla ako ng kunin nya ang isang kamay ko at ipahawak sa pagkalalake nya.
"Ano ba!"
Napahalakhak sya at hinalikan ako ng isang beses bago sya nagmadaling bumaba sa kama. Napailing ako na sinundan ko sya ng tingin na tumungo ng banyo.
Napahinga ako ng malalim at muli ay naalala ko ang sinabi nya.
I'm sorry, Dante, pero ngayong araw nalang ang huli nating pagsasama. Sana ay mapatawad mo ako. Kailangan ko itong gawin para sa Papa ko. Ayokong maging pabigat sa Papa ko.
Nahihirapan ako na ngumiti sa harap nya kahit para akong nahihirapan na huminga sa kalungkutan sa nalalapit na paglayo ko sa bansa.
Nakapikit ako habang inaayusan na ako ng mga make-up artist na dati ng kinuha ni Dante para make-upan ako. Nang matapos ay dumilat ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako dahil maganda at sakto lamang ang make-up para sa event ngayon.
"Salamat sa inyo."
Ngumiti ang mga ito at niligpit na nila ang gamit nila. Bumaba ako sa chair at tinignan ang buo kong sarili. Light make-up at kinulot ang dulo ng buhok ko habang nakaside view ang style ng bangs ko. Nakacontact lens din ako kaya wala akong salamin ngayon.
Nakaroba pa ako dahil isusuot ko pa ang dress na binili pa ni Dante para sa akin. Sabi ko ay wag na pero huli na pala ang pagtanggi ko dahil naideliver na agad ang dress na galing pa sa mamahaling botique.
Umalis muna ako sa harap ng mga make-up artist at tinungo ko ang walk-in closet ni Dante. Pagkakita ko sa pulang dress na floral ay napangiti ako dahil ang ganda nito. Hinaplos ko pa ito bago hinawakan sa hanger.
Excited na sinuot ko ito dahil ang ganda talaga. Nang maisuot ko ay agad akong tumapat sa human size mirror. Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay ngayon lang ako gumanda. Umikot ako at hindi ko mapigilan na mapangiti dahil bumagay sa akin ang dress.
Napalingon ako sa bumukas na pinto at napangiti ako lalo ng makita si Dante.
"Bagay ba sa akin?"
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at nakita ko na napangiti sya habang tila hangang-hanga.
"You're so beautiful, babe. Damn!"
Namula ako sa papuri nya. Nang makalapit sya sa akin ay tinignan nya ako sa mukha.
"You are so damn gorgeous." ulit na papuri nya.
"Parang ang exage mo naman. Ayos naman na sabihin mo na maganda lang, kesa sa gorgeous."
Hinapit nya ako sa bewang kaya napaangkla ako sa leeg nya. Napangiti kami sa isa't-isa habang nagkatinginan.
"It's my opinion, babe. If you are gorgeous to my eyes, it's true. Don't let down yourself. You are gorgeous to me, okay?"
Kinilig ako kaya napakagat ako ng labi. Nakita ko ang pagtingin nya sa labi ko. Medyo inangat nya ako kaya nagpantay ang mukha namin. Napapikit ako ng halikan nya ako. Marahan at puno ng pagmamahal.
Nagbitaw din kami agad at napangiti sa isa't-isa.
"Thank you, Dante. Nagpapasalamat ako at nakilala kita."
"No, Babe, I'm the one who's very thankful. Kung hindi kita nakilala, baka habang buhay ako na hindi ganitong kasaya. I love you."
"I love you, too."
Pinagdikit ko ang noo namin at muling naglapat ang labi namin. Napangiti kami sa isa't-isa at binaba na nya ako pero hawak parin nya ako sa bewang.
Tinignan ko naman ang ayos nya at napangiti ako na inayos ang kurbata nya.
"Parang hindi mo masyadong pinaghandaan ang graduation ko, ha?"
Pinisil nya ang bewang ko at napalo ko ang dibdib nya at napaidtad ako ng bumaba ang isang kamay nya sa pang-upo ko bago ipasok sa loob ng saya ng dress ko.
"Syempre, pinaghandaan ko talaga ito. Hindi pwedeng hindi."
Napangiti ako at hinawakan ko ang kamay nya na humahaplos sa legs ko.
"So, let's go."
Ngumisi sya at napadila na pumulupot ang isang braso nya sa bewang ko.
"Okay."
Napailing ako at sabay na kaming naglakad palabas ng walk-in closet nya. Wala na ang mga make-up artist at tila pinaalis na nya. Sumakay kami sa kotse nya at tinext ko si Papa na dadaan nalang kami ni Dante para sabay-sabay kaming magpunta sa school.
Pagdating sa bahay ay nakaready na rin si Papa. Nakabihis rin si Tita at napapatikhim nalang. Medyo ilag pa si Papa at Tita kay Dante. Napakaawkward nila pero hindi ko na pinuna dahil baka lalo silang mailang at baka masira pa ang araw na ito.
Sakay muli ako ng kotse ni Dante habang sila Papa ay nakasunod sa amin. Gusto sana ni Papa na sa kanila ako sumabay pero ayaw pumayag ni Dante.
Pagdating sa school ay nagkalat na ang mga estudyanteng gagraduate kasama ng ilang magulang at kamag-anak.
Agad na napatingin sa amin ang iba lalo na't bumaba si Dante para umikot at pagbuksan ako. Ngumiti ako rito at nagpasalamat sa pag-alalay nya.
Pansin ko na masyado syang alalay sa akin. Para bang kada hakbang ko ay bantay sarado nya.
"Anak.."
Tumingin ako kela Papa na nasa tapat ng sasakyan nila. Tumingin ako kay Dante at napahinga sya ng malalim at tumango sa akin.
Lumapit ako kela Papa at tinignan pa nila si Dante kaya tumingin rin ako. Nakatayo lamang si Dante habang nakatingin sa amin at hinihintay ako.
"Anak, kailangan na mapaalis mo ang Soriano'ng iyan pagkatapos ng graduation mo. Hindi pwedeng makatunog sya."
Napabuntong-hininga ako at tumango dahil pilit ko mang iniwawaglit muna sa isip ko iyon para isipin ang magandang graduation kong ito, pero hindi talaga maaalis na kahit maging ayos pa ako ngayon ay magiging masakit din sa katapusan dahil aalis na ako rito.
"Opo, Papa."
Lumakad kami at lumapit kay Dante na naghihintay. Hindi na nag-imikan si Papa at Dante at sabay-sabay kaming naglakad para magtungo sa auditorium kung saan gaganapin ang graduation ceremony.
Sa unahan daw ako uupo dahil doon daw ako. Hindi na ako nakapasok para sa practice ng graduation kaya sinabi ni Mam ang mga gagawin ko at agad ko namang naunawaan.
Napapisil ako ng kamay at napabuntong-hininga dahil ngayon lamang ako unang beses na mag speech sa harap ng maraming tao.
Nagsimula na ang ceremony sa tinakdang oras at pumila na ako sa unahan ng mga estudyante. Napatingin ako kay Papa na syang tumabi sa akin kaya napangiti na humawak ako sa braso nito. Pero napatingin rin ako sa kanan ko at napangiti ako dahil nais rin akong sabayan na mag marcha ni Dante. Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sya.
Pansin ko ang bulungan at tingin sa amin. Kilala ng tao si Dante sa hindi ko malamang dahilan. Pero alam ko na kilala din sya dahil maraming nagkakagusto sa kanyang mga kababaihan sa school. At kaya siguro kami pinagtitinginan ay dahil kay Papa na akala nila ay masamang tao. Pero hindi ko na pinansin iyon, basta masaya ako na ihatid ako ng dalawang lalakeng mahal na mahal ko.
Nang makapaglakad kasabay ng picture ay bumeso ako kay Papa. Ngumiti sya at binitawan na ako para maupo sya sa unahan sa kabilang side. Tumingin naman ako kay Dante.
"Goodluck, babe. I'm so proud of you."
"Salamat, babe."
Napangiti sya sa tinawag ko sa kanya at hinalikan nya ako sa noo. Tumango ako sa kanya kaya binitawan na nya ang kamay ko para maupo sa tabi ni Papa at ako naman ay sa upuang nakalaan sa akin.
Parang pang sinehan ang mga upuan. Ang kaibahan lang ay may stage. Lahat naman ng facilities ng Senior Abellano High ay magaganda kaya hindi na nakakapagtaka kung bongga ang pagdadausan ng ceremony na ito.
Nang matapos ang lahat sa marcha ay ginawa na rin ang pagkakasunod sa program. Wala akong naihandang speech pero siguro ay yung mismong nararamdaman ko nalang ang sasabihin ko.
"Let's call our Valedictorian for this batch. She have a message for us. Anna Francia Garcia."
Pumalakpak ang lahat kaya bumuga muna ako ng hangin at tumayo na. Naglakad ako patungo sa stage at ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero pinilit kong magpakatatag dahil ayokong mapahiya at maging sila Papa.
Nang ipahawak sa akin ang mic ay mahigpit ko itong hinawakan. Tumingin ako sa lahat ng estudyante at maging sa mga magulang. Especially kela Papa at Dante na nakangiti sa akin. Nag-thumbs up sa akin si Dante kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob.
"Good day, Ladies and Gentlemen. Especially to our principal, teacher, guest sponsor, students, and also to all parents right here. Thank you..." huminga ako ng malalim at tinignan sila Papa at tumango sila sa akin kaya ngumiti ako bago tignan ang mga estudyante, lalo na sila Amy. "Sa tinagal-tagal ko sa paaralang ito ay masasabi ko na naranasan ko ang matuto pero tumahimik sa mga bagay na nananakit sa akin. Kasi naisip ko na ang pinunta ko rito sa eskwelahan ay matuto at hindi ang matutuhan ang mga sakit na binibitawan ng ibang tao sa akin rito. Kahit ano palang hirap ang danasin mo ay dapat pala na hindi ka susuko. Patunayan ang kakayahan mo kahit pa hindi makita iyon ng ibang tao. Pero wala na akong hihinakit ngayon. Masaya ako dahil napatunayan ko na pagsubok lamang iyon at iyon pa ang nagbigay daan para marating ko ito ngayon. Maraming salamat sa naniniwala sa akin. Sa quiz bee trainor ko na si Miss Gail, salamat po. Sa lahat ng guro ko especially dahil sila rin ang dahilan kaya nakarating ako rito at tayong lahat ay natuto. Sana sa susunod na pagkakataon ay wala ng estudyanteng mabubully at susuko dahil lamang sa mga bully. Hindi sila ang rason para sumuko. Hindi sila ang rason para lang igive-up mo ang pag-aaral na magdadala sa'yo sa pinapangarap mo. 'It takes time to heal the wounds but not the dream you waiting for.' Heto na ang pangarap nating lahat. Narito na tayo sa huling baitang ng high school. Alam ko na marami pa tayong kakainin na bigas, pero isang malaking bagay na ito na kahit nasugatan ay natiis pala natin ang lahat ng iyon maabot lang ang pinapangarap natin. God will always here for us. So never give up, you need to wake-up because he always remind us that he with us. Iyon lamang ang nais kong iparating. Maraming salamat po."
Nakahinga ako ng maluwag at parang isang musika sa aking pandinig ang palakpakan ng mga tao. Humarap ako sa mga guest speaker na hindi ko masyadong napagmasdan dahil sa kaba ko. At ang ilan ay wala pa kaya kakaunti palang. Pero pagtingin ko sa mga ito ay nagulat ako ng makita na katabi ng principal ang mga magulang ni Dante. Naguguluhan man ako ay ngumiti ako sa mga ito. Seryoso lamang ang mga ito at tinanguan lang ako ng Dad ni Dante.
Naglakad na ako pababa ng stage habang naguguluhan ako dahil wala naman sa listahan ng guest speaker ang parents ni Dante.
Nang makaupo ay tinignan ko muli ang mga ito. At parang sila ang pinakamataas na guest speaker kung itrato nila Mr. P.
Tinawag rin ang mga ito para pagsalitain. Kaya napapisil ako ng kamay at nakipalakpak ng magpunta ang mga ito sa harap ng mic.
"Good day, Students, and to all Parents. Alam ko na ang iba rito ay hindi nakakakilala sa amin. Nauunawaan ko dahil masyado kaming pribado. Marami na muling magtatapos sa paaralang ito at masaya ako na malaman iyon. Pinundar itong eskwelahan ng aking ama na si Abellano Soriano."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng Dad ni Dante.. Hindi ako makapaniwala. Kanila ang school na ito? Kaya pala kahit ilang beses na magpalabas-masok si Dante sa school ay maaari. Ngayon nanumbalik sa akin ang unang araw ng pakikita namin ni Dante. Ang paggalang sa kanya ni Mr. P. Ang pagtataka ko ng malamang kasama sya sa field trip namin noon. Ang madaling paglipat nya sa akin ng room ng walang kahirap-hirap.
Hindi ko alam pero parang bumigat ang pakiramdam ko. Ni hindi ko man lang alam na pag-aari pala ng mga Soriano ang school na pinapasukan ko.
At ang lalong nagpabigat sa damdamin ko ay pag-iisip na baka hindi ko talaga deserve na makuha ang mataas na karangalan na ito. Na baka kagagawan rin ito ni Dante.
"At since 2001 na maitayo ang paaralan na ito ay ngayong moderno na ang mga pasilidad ay mas dumami na rin ang estudyante na nag-aaral ngayon kumpara noon. Kaya napakaswerte talaga ng mga kabataan ngayon at naranasan nyo na makapag-aral rito. Hindi kayo bibiguin ng Senior Abellano High. Dahil ang eskwelahan na ito ay ginagalang ng ibang eskwelahan. Kaya oras na malaman ng kolehiyong inyong papasukan na rito kayo galing ay hindi kayo mabibigo na mapasok agad. Magiging best priority kayo dahil dito kayo galing."
Pumalakpak ang lahat at nakayuko na pumalakpak ako sa kawalan ng gana.
"Salamat."
Natapos na ang speech ng Dad ni Dante kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita kong napatingin sila sa side ni Dante pero wala na silang imik na bumalik sa upuan nila.
Hindi ko na maramdaman ang ceremony na ito. Dahil iniisip ko parin na baka nga hindi ko deserving ang award na matatanggap ko.
Isa-isa ng tinawag para bigyan ng diploma. Humawak ako sa braso ni Papa habang nakatungo.
"Anak, bakit tila nalungkot ka?"
Umiling ako..
"Hindi po.."
"Wag mo ng ilihim kay Papa. Hindi mo siguro inaasahan ang lahat ng nalaman mo, tama ba?"
Tumango ako at napabuntong-hininga.
"Tingin ko po ay hindi ko naman deserving ang honors na makukuha ko. Baka po si Dante lang ang may gawa kaya ako nagkasabit."
Tumingin ako kay Papa ng haplusin nya ang braso ko.
"Hindi ko rin alam, pero alam ko na deserving mo iyan anak, dahil matalino ka naman talagang bata. Kaya wag mong iisipin iyan. Alam ko na walang kinalaman rito si Soriano."
Napahinga ako ng malalim at tumingin sa gawi ni Dante. Nakatingin sya sa amin at tila hinihintay talaga na tumingin ako sa kanya bago sya ngumiti.
Tipid na ngumiti ako at humakbang na kami ni Papa para umakyat sa stage ng tawagin na ang pangalan ko.
Mas lalo akong kinabahan dahil parents pa ni Dante ang mag-aabot ng diploma ko sa akin.
"Congratulations." sabi ng mga ito.
"Thank you po."
Nakipagkamay ako at ngumiti. Napatingin ako kay Papa na seryoso lamang na nakatingin kela Mister at Misis Soriano.
Nang matapos kaming makipagkamay ay inaya ko na si Papa. Habang pababa kami ay tumingin ako rito.
"Wag na wag kang magpapaapi sa mga iyon, Anak. Tandaan mo iyon."
"Po?"
Inakbayan nya ako at hinaplos ang balikat ko
"Hindi sila magandang maging kaibigan."
"Papa.."
"Pero hindi ko naman hahayaan na mangyaring apihin ka pa nila. Mabuti ng makaalis ka na rito."
Napabuntong-hininga ako at lalong bumigat ang loob ko. Tumingin ako kay Dante ng dumaan na kami sa upuan nila Papa. Hinatid ko si Papa doon.
"Sasama ako na sabitan ka, ha?" aniya.
Napahinga ako ng malalim at umiling.
"Wag na. Baka ano pang sabihin ng iba."
Umiwas ako ng tingin at dumeretso na ako ng lakad patungo sa upuan ko. Tinignan ko ang diploma ko kasama ng graduation picture ko. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa magulang ni Dante.
Kahit sa pag-upo ay ang desente ng upo nila. Maayos pa ang suot dahil nakaformal ang dad ni Dante habang ang Mom nya ay nakanavy blue dress. Short hair lang ang Mom nya at maputi ang kutis nito. Kitang-kita rin sa kanila ang mamahaling mga alahas na nakasuot sa katawan nila. Pinapakita kung gaano sila karangya sa buhay.
Nang matapos ang bigayan ng diploma ay nag-speech pa ang ibang guest speaker at maging si Mr. P. Hanggang sa inanunsyo na ang sabitan ng awards.
Inuna ang mga may honors rin at pakaba ng pakaba ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang award ng hindi iniisip ang iisipin ng iba.
Kailangan kong maitanong kay Dante kung may ginawa sya para masabitan ako ng valedictorian. Hindi ako magiging masaya nito kung ganun ang iisipin ko.
Kinuha ko ang phone ko at nag-type ako ng message sa kanya.
Dante:
Sabihin mo nga, may kinalaman ka ba kaya ako na-awardan ng valedictorian?
Hinintay ko ang message nya at nakita ko na tumawag na sya. Napahinga ako ng malalim at sinagot ang tawag.
(Hello, babe.. Bakit mo naman iniisip yan?)
"Answer me. Ikaw ba ang may gawa?"
(Babe, bakit ko naman gagawin iyon? Tiwala ako sa kakayahan mo, kaya wala akong kinalaman kung bakit mo makukuha ang pinakamataas na award. Pangako, wala akong ginawa. Talagang magaling ka lang, babe.)
Nakahinga ako ng maluwag at guminhawa na rin ang loob ko. Ngumiti na ako.
"Sorry.. Akala ko kasi.."
(Dahil ba sa nalaman mong pagmamay-ari ng pamilya ko ang eskwelahan?)
Tumango ako kahit hindi naman nya nakikita.
"Oo. Hindi ko alam na kayo ang may-ari."
(It's not important, babe. Wala namang kaso kung pagmamay-ari pa ng pamilya ko ito. Ang mahalaga ay wala kaming ginawa para hindi mo marating kung nasaan ka ngayon.)
Napaangat ako ng tingin ng may huminto sa harap ko. Nagulat ako ng makita si Dante kaya napatingin ako sa mga katabi ko na napapatingin sa amin. Binaba ko ang tawag at tinignan sya.
"Bakit lumapit ka pa? Bumalik ka na sa upuan mo."
Nahiya pa ako ng maupo sya sa harap ko at humawak sa armrest ng upuan ko habang nakatingin sya sa akin.
"Gusto kong maipaliwanag sa'yo ng maayos na wala akong kinalaman, okay? Wag ka ng mag-isip ng iba."
"Oo. Sige na, bumalik ka na sa upuan mo."
Hinawakan ko sya sa balikat at mahinang tinulak para paalisin dahil nakakahiya at pinagtitinginan na kami.
Natawa na tumayo sya at pinisil ang pisngi ko kaya hinawi ko ang kamay nya. Tinignan ko sya at sinenyasan na umalis na. Napailing sya at nakahinga ako ng maluwag ng umalis na sya.
"Anna!"
Napatingin ako sa stage at hindi ko namalayan na ako na pala ang tinatawag. Tumayo ako at tumingin kay Papa. Lumakad sya palapit sa akin kaya ngumiti na ako na kinangiti nya.
Umakyat kami sa stage at huminto sa gitna. Sinabi ang lahat ng awards ko at napangiti ako dahil at least alam ko na wala talagang kinalaman si Dante.
"Congratulations, Anna, you are a good student.. Galingan mo pa sa susunod mong pag-aaral sa kolehiyo." sabi ni Mam Tracy.
"Mam, talaga po bang deserve ko ang mga awards na ito?"
Ngumiti ito.
"Oo naman. Kami ng mga teachers mo ay pinag-uusapan ka nga dahil talagang mabait at matalino kang bata. Kaya wag kang magtataka kung makuha mo ang lahat ng ito."
Napangiti ako at nagpasalamat rito. Humarap ako kay Papa na nakangiti na sinabit sa akin ang lahat ng medals.
"Sabi ko naman sa'yo ay matalino ka, Anak. Kaya wag ka nang mag-isip ng iba."
Tumango ako at yumakap rito. Hindi ko mapigilan ang
saya ko dahil sa wakas ay nakagraduate na ako.
Nagpapicture pa kami at maging ang mga teacher ko. Meron ring class picture. Pagkatapos no'n ay tumingin ako kay Dante na kanina pa naghihintay.
Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko at lumapit ako kay Dante.
"Are you done? Let's go. Nagpareserve ako sa restaurant. Doon natin i-celebrate ang graduation mo."
Napahigpit ang kapit ko sa diploma ko at tumingin ako sa kanya ng alanganin.
"A-Ano kasi.. Lalabas kasi kami nila Papa. Hindi ko na kasi sya nakakasama na kumain."
Napatango sya.
"Okay. Then can I go with you. It's okay, right?"
Napamaang ako at lalo akong kinabahan dahil hindi ko alam ang sasabihin para hindi sya sumama.
"Sana ay hayaan mo na sa amin ang araw na ito, Soriano."
Napatingin kami kay Papa ng sumingit ito. Lumapit ito sa akin kasama si Tita.
"Kahapon ay kasama mo na ang anak ko. Kaya sana ay hayaan mo na kaming mag celebrate ng kami lang."
Tumingin ako kay Dante. Tinignan nito si Papa ng seryoso. Humawak ako sa kamay ni Dante kaya napatingin sya sa akin.
"Pasensya na. Nangako kasi ako kela Papa."
Hinaplos ko ang mukha nya habang pinagmamasdan ito. Gusto kong maiyak sa harap nya pero pinigil ko dahil ayokong makahalata sya.
Napahinga sya ng malalim at tila pumapayag na sya.
"Okay. But tomorrow your time is for me."
Ngumiti ako kahit para akong nahihirapan na huminga. Tumango lang ako at agad na tumingin ako kela Papa. Binitawan ko ang mukha nya at lumapit na ako kela Papa.
Hindi ko na sya nilingon dahil unti-unti ng pumatak ang luha ko. Paglabas ng auditorium ay nakita ko ang kotse ni Papa na nakaabang na sa amin. Agad na akong sumakay at sumunod si Papa at Tita.
Napaiyak na ako ng tuluyan at yumakap kay Papa.
"Pa, kailangan po ba talaga na ngayon na umalis?"
"Wala na tayong oras, Anna. Malapit na rin ang flight natin kaya dederetso na tayo sa airport."
Lalo akong napayakap kay Papa sa sinabi ni Tita Olivia. Hinagod ni Papa ang likod ko.
"Pasensya ka na, Anak, pero kailangan natin na gawin ito. Para rin sa'yo ito. Ayokong makita mo ang mangyayari sa akin. Gusto ko na hindi ka madawit sa gulo. Sana ay maunawaan mo ako, ha?"
Tumango ako habang patuloy ako sa pag-iyak. Tumunog ang phone ko kaya bumitaw ako kay Papa ng yakap. Kinuha ko sa bag ko ang phone at nakita ko na nag-text si Dante.
Dante:
Be careful, Babe. I'll visit you later in your house after your celebration with your family. I love you!
Napakagat ako ng labi at napapikit ako. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko na sinagot si Dante dahil ayoko ng magsinungaling.
Sana ay mapatawad nya ako. Sana ay wag syang magalit.
Nakarating na kami sa airport at parang ayoko ng bumaba ng sasakyan. Pero wala akong pagpipilian dahil hindi ko na rin mababago ang isip ni Papa.
Malungkot na nakatingin lang ako sa kawalan. Niyakap ako ni Papa habang narito kami sa departure area.
"Pangako na bibisitahin kita, Anak. Pero bigyan mo lang ako ng oras. Patawarin mo ako kung magkakahiwalay tayo. Pero sandali na panahon lang naman."
"Papa, ayoko pong umalis."
Napahinga sya ng malalim at hinawakan ako sa mukha bago pinunasan ang luha ko.
"Ako man ayokong umalis ka, pero kailangan talaga, Anak."
Napayuko ako at lalong napaiyak. Napahinga sya ng malalim at niyakap muli ako.
"Let's go, Anna." aya na ni Tita.
Bumitaw ng yakap sa akin si Papa at hinalikan ako sa noo. Pinunasan nya ang luha ko at ngumiti sa akin si Papa.
"Mahal na mahal kita, Anak. Mag-iingat at magpapakabait ka habang nasa poder ka ng Tita mo. Palagi kang sumunod at pagbutihan mo ang pag-aaral mo."
Tumango ako habang nanginginig ang labi ko sa pagpigil ko na mapahagulgol. Tinapik nya ang balikat ko kaya humarap na ako kay Tita.
Napahigpit ang hawak ko sa bag ko at dahan-dahan akong humakbang. Napapahid ako ng luha at tumingin kay Tiya.
"Mr. Garcia! Inaaresto ka namin!"
Napahinto ako at napalingon. Nagtaka ako ng may tumakbong mga pulis na agad nakalapit kay Papa. Agad nilang hinawakan si Papa kaya nabitawan ko ang bag ko.
"A-Anong ginagawa nyo sa Papa ko?"
Lumapit ako kay Papa at pilit kong inaalis ang mga pulis na nakahawak kay Papa.
"Anong ginagawa nyo sa Papa ko? Bakit nyo sya pinoposasan?!"
"Miss, matagal ng nasa drug watch list ang ama mo. Sa prisinto nalang tayo mag-usap. Hinahayaan namin na kumuha kayo ng abogado para sa kanya."
Lalo akong napaiyak at naguluhan sa pinagsasabi ng pulis.
"Ano? Ang drug? Bitawan nyo ang Papa ko! Papa!"
"Bitawan nyo ako! Anak!"
Humawak ako sa kamay ni Papa habang pilit kong wag syang bitawan habang pilit syang hinihila ng mga pulis.
May humawak sa akin at pinigil ako. Paglingon ko ay nakita ko si Dante na wala man lang reaksyon.
"Dante, tulungan mo ako. Bakit nila hinuhuli ang Papa ko?"
"Sige, dalhin nyo na si Mr. Garcia sa prisinto."
Imbes na sagutin nya ako ay inutusan nya pa ang mga pulis na gawin iyon. Hindi ako makapaniwala at inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin at umatras ako palayo sa kanya.
"Anong sinabi mo? I-Ikaw ang nag-utos na hulihin ang papa ko?"
Tumingin sya sa akin at napatiim-bagang sya.
"Yes, ako nga. Pinagtiwalaan ko ang Papa mo at hindi ko na sana nais na ipakulong sya pero binali nya ang pinagkasunduan namin. Balak ka pa nyang ilayo sa akin at talagang pumayag ka? Akala mo hindi ako makakaramdam, ha?"
Napaiyak ako at napakuyom ng kamay. Lumapit ako sa kanya at sinampal sya.
"Hindi ko akalain na ikaw pa ang gagawa nito. Napakasama mo!"
Tinulak ko sya sa dibdib kaya napaatras sya. Tinalikuran ko sya para sundan si Papa na kinaladkad ng mga pulis. Pero napatigil ako at nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Dante.
Bigla nalang umangat ako ng buhatin niya ako at hinawakan ng mahigpit.
"Hindi kita hahayaan na makaalis sa akin. Sinabi ko sa'yo na akin ka."
Binayo ko ang dibdib nya at nagpupumiglas ako pero ang higpit ng kapit niya sa akin. Hirap na hirap ako na makawala at rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Tiya pero mabilis ang lakad ni Dante.
Pinasok nya ako sa kotse kaya nagpumiglas ako sa kanya. Pero nang makapasok na rin sya ay pinigil ako sa paghampas sa kanya.
"Pakawalan mo ako! Bakit mo ginagawa ito?"
Umandar ang sasakyan dahil may kasamang driver si Dante. Seryoso ang mukha ni Dante habang yakap ako para hindi makapiglas..
"Ginagawa ko ito dahil ginalit ako ng Papa mo. Akala nya mauutakan nya ako. Ginalit ako ng Papa mo kaya tikman nya ang ganti ko. At ikaw, hindi kita hahayaan na makaalis sa relasyon natin. Asawa na kita at pinagbubuntis mo ang anak natin. Tingin mo ay papayag ako na ilayo ka ng papa mo sa akin? Hindi, dahil mas may karapatan na ako sa'yo. Tandaan mo 'yan."
Natulala ako sa kanya habang hindi makapaniwala sa sinabi nya. Tila ako nabingi sa sinabi nya. Pero nanlabo ang mata ko at namutla ako. Unti-unti akong pumikit at hindi ko na nalaman ang nangyari.