Mabilis namang tinulongan ni Mr. Felix ang asawa at ni Shantal pati na rin si Jake. Nakita nilang tumigas ang buong katawan ni Mrs. Laura. Nang makita nilang hindi talaga okay ay mabilis nila itong dinala sa hospital. Sumama si Shantal sa hospital sa kanilang amang si Mr. Felix at si Jake ay nagpaiwan lang. Parang nakonsensya naman si Kerai. Tiningnan s'ya ng matalim ni Jake nang sila na lang dalawa. Hindi alam ni Kerai ang gagawin. Kailangang pupunta din ba s'ya sa hospital? ayaw naman n'yang tuloyang mawala ang kanyang tunay na Ina. " Ganyan pala katigas ang puso mo, Ryza. Now, sabihin mo, okay lang ba sa'yo na mamatay ang sarili mong Ina dahil sa mga ginagawa mo? hindi ka ba marunong magpatawad? at bakit ka nananakit sa nakakatandang kapatid mo? bakit daig mo pa ang tigre ngayon ku

