Hindi s'ya nakasagot sa sinabi ni Jake. Tumalikod na agad ito sa kanya upang ito'y aalis at pupuntahan nito sina Shantal at ang amang si Mr. Ricaforte sa hospital. Umiiyak s'ya dahil Hindi n'ya alam kung anong mararamdaman ng mga sandaling iyon. Nagmamadali naman n'yang niligpit ang kanyang mga gamit at kahit pagagabi na ay nagpapahatid parin s'ya sa driver ng mga Ricaforte pauwi sa mga Garcia. Gabi na nang dumating si Kerai sa bahay ng mga Garcia. Laking pagtataka naman ng kanyang Nanay lida nang siya'y bumalik, na kanina pa nga lang ay nakadalaw s'ya rito. At nagliwanag ang mukha nito nang makita ang kanyang dalang maleta. " Magandang gabi po, Nay, At grandpa." Galang n'yang bati sa mga ito nang maabutan n'yang nasa sala pa ang grandpa n'yang si Mr. Leopoldo Garcia. At habang ang

