Umatras sana s'ya ngunit nakita na s'ya ni Jake kaya nanatiling nakatayo na lang s'ya habang nakatingin sa mga ito. " Ryza.." Sambit sa kanya ni Jake. Napatingin naman agad si Shantal sa kinaroroonan ni Kerai. At biglang nagliwanag pa ang mukha ni shantal nang makita s'ya nito. Kailan man ay hindi pa talaga sila nagkausap ng sarilinan ng kapatid n'ya at wala s'yang pakialam kung totoo ba ang pagbait-baitan nito o kung hindi. " Sissy, come here! kanina pa naghihintay sa'yo si Jake." Nakangiting wika pa ni Shantal sa kapatid. Hindi man lang s'ya ngumiti nang lumapit sa mga ito. Noon n'ya naisip na napaka baboy din naman pala ng sitwasyon nila ng kanyang Kapatid na si Shantal. Alam n'ya at hindi s'ya inosente kung anong nakalipas ng mga ito. Ito sana ang pakasalan ni Jake subalit nag

