"Bitawan mo ako!" " Sasakay ka na, sabay na tayo sa inyo." Matigas na wika nito at pilit s'ya nitong pinasakay. Kahit umaayaw s'ya ay pilit siyang pinapasok nito at wala na s'yang magawa nang siya'y nasa kotse nito at ni-lock agad nito iyon. Nagmamadaling pumasok naman agad ito sa loob at pina start ang sasakyan nito. " Kailangan n'yo ba talaga akong pilitin kahit ayoko? ganyan ba kayong lahat?" Nagsisimula na namang wika at galit n'ya rito. "Tumigil ka na sa katigasan mo, Ryza!Hindi ka nakakatuwa sa mga ipinakita mo, para bang ibang-iba ka na sa Kerai na nakilala ko!" Seryoso at galit na ring wika ni Sierge sa kanya. "Ano? kung gano'ng hindi na ako nakakatuwa ay bakit Sige parin kayo? Parang binaliktad mo yata ang lahat! ako ang hindi natutuwa sa mga ginagawa nyo!" Paasik na na

