Umuusok na talaga sa galit si Kerai. Dumating lang ang mga ito sa buhay n'ya upang gano'n ang gagawin sa kanya? "A-actually, iha. Matagal ka nang nakatadhana kay Jake noong mga panahon pang hindi ka pa nawalay sa amin." Umiiyak nang wika ni Mrs. Laura Ricaforte sa nakitang galit sa bunsong anak nila. Lihim na lang natawa si Shantal. "R-Ryza, iha, ayaw mo ba kay iho Jake? magiging happy kayo kasama sa magiging anak niyo." Sabi pa ni Mrs. Andrea Mondragon. Samantalang si Jake ay seryoso din ang mukhang nakatingin kay Kerai. "Diba m-mahal mo si iho Jake? ito na ang katuparan ng hinihiling ng puso mo, anak." Nauutal ding tanong ni Mr. Felix Ricaforte. Isa-isa n'yang tiningnan ng masama ang mga ito at huling tinapunan n'ya ng tingin ay si Jake. Tinitigan s'ya nito at sinusukat din n

