Halatang masayang inihatid s'ya ni Jake. Pero s'ya ay di n'ya alam kung masaya ba s'ya o hindi sa mangyari. Nakita n'yang desidido nitong hiwalayan ang kanyang kapatid. At kung mangyari 'yan ay ayaw na muna n'yang malamang sa kanya ibinaling ni Jake ang pagmamahal nito, dahil talagang pangit iisipin na iyon ang malalaman ng mga tao lalo na't hindi alam ng mga ito ang buong kuwento. Umiiwas lang s'ya sa mga Judgemental na tao. Baka ano pa ang sasabihin ng lahat na nakipaghiwalay ito sa kanyang kapatid tapos sa kanya naman napupunta. " Bakit sobrang tahimik ng mahal ko?" Nakangiti pang tanong nito sa kanya habang ito'y nagmamaneho. "Iniisip ko ang sitwasyon, Jake. H'wag mo na akong ideretsong ihatid sa bahay. Alam kong pagseselosan ako ni Shantal at ayokong malalaman nilang lahat na hina

