Langhap na langhap ni Kerai ang mabangong amoy ng binata nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Kahit mahal n'ya ito pero never naman agad s'yang magpadala sa mga ipinakita nito sa kanya lalo na ngayong nakipagbalikan ito sa kanyang kapatid. At nakapagdesisyon itong pakasalan nito si Shantal. Di nga n'ya alam na lagi nang nagpapakasarap ang mga ito sa kama. Nakakadiri kaya inis n'yang itinulak ito. "Ano bang ginagawa mo!" Piglas n'ya mula sa pagkakayakap nito. "Mas malakas ka pa ba sa akin? what do you want me to do, hmm?" Bulong nito sa kanyang tainga na imbis palayain s'ya nito sa mga bisig nitong nakayapos sa kanya ay mas lalo pa s'ya nitong hinigpitan ng pagkakayakap. "Magpakatino ka, Jake! yan ang dapat mong gawin! nangako ka nang magpakasal sa kapatid ko. Pero ano itong gi

