"Oh, Ryza! may bisita ka pala, my sis." Malawak ang bating wika ni Shantal na sadyang hinila pa nito si Jake para sila'y lumapit sa kinaroroonan nina Kerai at Rex. "Good afternoon, Miss Ricaforte at sa kasama mo." Bati pa ni Rex sa dalawa. Ngunit si Kerai ay hindi man lang tinugon ang pagbati sa kanya ng kapatid na si Shantal. Dahil feel na feel n'ya kasi lagi ang ubod na kaplastikan nito. " Manliligaw ka ba ni Ryza?" Pormal ang mukhang tanong pa ni Jake kay Rex ngunit matiim ang mga tingin nitong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Rex. " Yes." Maiksing sagot ni Rex kay Jake. At nagtama ang mga paningin nina Jake at Rex. "Ahhm, Rex, sila pala sina Mr. Jake Mondragon, ang mapapangasawa ng kapatid ko at s'ya din ang eldest sister ko, si Shantal Ricaforte." Pakilala ni Kera

