MADILIM na ang bahay ng mga Santiago nang lumabas si Marissa sa kanyang silid. Ah, mali. Hindi nga pala niya kwarto iyon. Nakikituloy lang siya. Ngayon ay oras nang iwanan ang nakagsinan na niyang bahay at maghahanap na naman ng bagong matutuluyan. Iyong malayo sa mga taong nakakakilala sa kanya bilang si Katrina. Wala siyang dinala kahit naanong bagay mula sa mga Santiago. Ang lahat ng naibigay sa kanya ni Mama Betty na damit pati na cellphone ay iniwan niya sa kwarto. Sinira din niya ang mga sim cards ng cellphone upang huwag nang ma-trace ang mga tawag niya sa ina. Siguro ay ang dadalhin niya lang ay ang suot suot na damit na hindi naman niya pwedeng iwan dahil wala siyang ni isang masusuot. At ang sampung libong pera na binigay sa kanya ni

