MUGTO ang mga mata ni Marissa habang bumabiyahe ang kotse ni Keith. Hindi kasi niya halos mapigilan ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Hindi na rin niya napansin pa kung saan na siya dinala ni Keith. Ang alam lang niya ay malayo na ang kanilang biniyahe. Nang itigil ni Keith ang sasakyan ay doon lang siya tila nagising sa malalim na pag-iisip. “Nasaan na tayo?” tanong niya sa binata. “Malayo sa San Vicente.” Tumango siya at nilibot ang mata sa paligid. Wala halos bahay doon maliban sa isang simpleng bungalow house. “Ang bahay ko. Pwede ka d’yan pansamantala. Walang nakakaalam na may bahay ako rito. Nagpupunta lang ako rito kapag gusto kong mapag-isa.” “Salamat, Keith. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong g

