Bumakas ang gulat sa mukha ng babae. “But Lance…” “Just go, Libbie. Mag-uusap lang kami.” Napasimangot si Libbie habang naglalakad patungo sa pinto ng bahay. Tinapunan pa siya nito ng masamang tingin bago tuluyang lumabas. Si Libbie ang pinaalis pero hindi pa rin mawala sa sistema niya ang inis. Sandali lang siyang nawala pero iba na ang kaulayaw ni Lance. Dahil nga hindi totoo ang pinakita niya sa’yo noon! She hated him for that. Pero alam niyang may kasalanan din siya. Kaya lang ay wala siya roon para pag-usapan ang namagitan sa kanilang dalawa. Ang seguridad nito at ni Mama Betty ang sadya niya. “Ano bang pinunta mo pa rito?” maangas na tanong ni Lance. “Pinasabihan na kita tungkol kay Keit

