Mabilis niyang isinarado ang mga butones at sinuot ang pajama. Pero mas lalo pa siyang nati-tense dahil sumandal lang si Lance sa may pader habang nakangiti. His eyes staring all over her. Agad nawala ang mga agam-agam ni Marissa kanina tungkol sa detective. Kung alam na nito ang tunay niyang pagkatao ay dapat galit na ito sa kanya. Pero hindi. Base sa mga titig nito ay iba ang nais nito sa kanya. Hindi niya mapigilang maging conscious. Kaya sinita na niya ito. “Hoy, Lance. I know what you’re thinking. Hindi pwede.” “Paano mo naman nasiguradong tama ka? Nababasa mo na ngayon ang nasa utak ko?” nakangising tanong nito. She rolled her eyes. “Noong huling tinitigan mo ako nang ganyan ay hindi ako nakapaglakad nang maig

