HINDI mapakali si Marissa habang nakaupo sa veranda ng farm house. Doon siya ibinaba ni Lance matapos siyang buhatin mula sa kotse. Pumasok lang ito sa loob ng bahay para kumuha ng first aid kit. First aid kit? Marunong bang gumamot ng pilay si Lance? Malalaman din niya ang sagot dahil naririnig na niya ang mga hakbang nito palabas ng pinto. Inilapag ni Lance ang isang puting kahon at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang iba’t ibang pamilyar na gamit—mga dating lagi niyang hawak. Forcep, bandage scissor, cotton balls, alcohol, hydrogen peroxide, gasa, gloves at kung ano-ano pa. Naalala niya tuloy ang dating trabaho. Nagsisimula na siyang ma-miss iyon. Kahit inaalagaan pa niya si Mama Betty ay iba pa rin kapag pina-practice talaga ang propesyon

