“I’m so sorry, Dos,” umiiyak niyang saad. Dos looked at her and hugged her tightly. “I love you so much,” anito. Lalo lamang napaiyak si CT sa narinig. Bakit nga ba isinara niya ang sarili para sa asawa niya? “I’m sorry kung sinaktan kita noon. I’m sorry kung dahil sa ‘kin nahihirapan ka nang magtiwala ulit,” dagdag pa ni Dos. Napailing naman si CT. “Kaya hindi ako makapag-move on kay, Jair dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa ‘kin at alam ko ring minahal ko siya. Sa loob ng halos dalawang buwang naging kami doon ko lang napagtantong mahal ko siya pero mas mahal kita. Napagtanto kong hindi kita nakalimutan pero lalo lang kitang minahal nu’ng nag-usap tayo. T’saka ko lang naramdamang kahit ano’ng pilit ko sa sarili ko hindi kita kayang kalimutan. Nalulungkot ako dahil hindi

