“Dos!” tawag ni CT sa asawa niya. Kasalukuyan silang nasa bahay nila. May dalang attach case si Dos at tila nagmamadali. Walang salitang nilingon siya nito. “P-puwede bang sumabay?” tanong niya. Mukha kasing wala ito sa mood. “Okay,” tipid na sagot nito at nauna na palabas. Mabilis na sumunod naman siya. These past few days nahihirapan siyang lapitan si Dos dahil busy ito. Hindi na rin sila madalas magkasama dahil aalis nang maaga si Dos tapos uuwi nang madaling araw. Minsan nga naiisip niyang baka iniiwasan siya nito. Napatingin siya sa asawa niyang nagmamaneho. Gusto niya sana itong kausapin subalit hindi niya alm kung ano ang sasabihin. Npatingin si CT sa labas nang huminto na sila. Nauna na ring lumabas si Dos. “Dos!” Napalingon saglit ang binata sa kaniya. “Why?

