Chapter 23-SPG (slight)

2482 Words

Huminto sila sa isang malaking bahay. Nalula naman si CT sa nakita.   “Bahay mo ‘to?” manghang tanong niya kay Dos na nakatingin lang sa kaniya.   “Bahay natin,” sagot ni Dos. Napailing ang dalaga. Lumabas si Dos at naghintay si CT na pagbuksan nito nang makitang inip na nakatingin lang ito sa labas ng sasakyan.   “What are you waiting for?” tanong ng asawa niya. Kaagad na napataas ang kilay ni CT sa turan nito. Umaasa pa siyang pagbubuksan siya ng kolokoy. Inis na hinawakan niya ang laylayan ng gown niya at lumabas. Tiningnan niya nang masama si Dos at nauna nang maglakad papasok.   “Napaka-ungentleman ng bwesit,” mahinang wika niya.   “Saying something?” tanong ni Dos na nakasunod lang sa kaniya. Huminto siya at hinarap ito.   “Yes, and it’s not your business,” malditang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD