“Are you mad?” tanong ni Dos kay CT. Inis na hinarap naman niya ang asawa niya. “Titigan mo mukha ko kung masaya ba,” pilosopa niyang sagot. Tinitigan lamang siya ni Dos at hinawakan ang kamay niya. “Let’s go, may mga naka-line up ng events for later. Don’t be mad,” malambing na wika nito. Napakurap-kurap si CT at napailing. Hindi siya puwedeg magpadala sa malambing na boses ng asawa niya. Pero hindi naman kasalanan ng asawa niya na lapitin ito. Huminga siya nang malalim at inis na tinitigan si Dos. “Okay,” tipid niyang sagot at nauna na sa function hall. Ibinigay ni Dos ang nahuli niya sa cook. Nagpaalam muna ito saglit para magbihis. Nagpaiwan naman si CT sa hall at nakikipagdaldalan sa mga kasamahan niya. “Ang guwapo naman ng asawa mo girl,” ani ng babaeng sa t

