Inabot ni Dos ang dalang towel sa asawa niya. Kaagad na kinuha niya iyon at pinunasan ang kaniyang mukha. "Thank you," saad niya. Dos just half smiled. Nang okay na ang dalaga ay umupo na siya sa tabi ng asawa niya sa gilid. Nakatingin lamang siya sa mga naglalaro. Tawang-tawa siya kay Alaisa nang makitang hindi ito marunong. Ayun tuloy at natalo ang team nila. "Galingan mo," nakangiting ani CT. Tumango naman si Dos at pumunta na sa maliit nilang court. Nakatingin lamang si CT sa asawa niya. Kahit saan mo ilagay si Dos nag-i-stand out talaga. Siya ang tipo ng lalaki na kahit saan mo dalhin magiging talk of the town. Maliban sa napakaguwapo nito--kakaiba ang aura ni Dos. Kampante na rin siya dahil alam niya kung ano si Dos. Ito na yata ang taong walang pakialam sa mundo. Kung hindi 'y

