Napaungol ang dalaga nang maramdaman ang magagaang halik sa mukha niya. Iminulat niya ang kaniyang mata at nakita si Dos na nakahiga sa kaniyang tabi. Napangiti siya at hinaplos ang mukha nito. “Nasa bahay na ba tayo?” tanong niya. Umiling naman kaagad ang asawa niya. “I know you wanted to have a vacation, and you loved the forest. Dinala kita rito sa cabin ng pinsan ko,” sagot ni Dos. Kaagad na napangiti si CT at nagsalita. “Matutulog muna ako,” mahinang wika niya habang pumipikit-pikit ang mga mata. Tumango naman agad si Dos. Ilang saglit pa ay nakatulog na ito uli. Bumangon si Dos at inayos ang buhok nitong nakatabing sa magandang mukha niya. “Thank you for accepting me as your husband even though you are forced and threatened to agree,” ani Dos at napahinga nang mal

