Lumabas si CT sa opisina niya at sumakay na ng elevator papunta sa top floor. Lunch break na rin kasi nila. Siya lang naman mag-isa sa lift kaya okay lang. Ilang saglit lang ay huminto na at lumabas na siya. Paglabas niya ay kaagad na naglakad siya papunta sa opisina ni Dos. “Hi, nasa loob ba si Dos?” tanong niya sa lalaking nakaupo sa labas. “Mrs. Vasiliev, he’s been waiting for you inside,” nakangiting wika nito. Tumango lamang si CT at sumunod na. Sa isang paliko pa ay nakita na niya ang isang tinted glass door. Kumatok saglit ang lalaki. “Boss, your wife’s here,” wika nito. Ilang saglit pa ay otomatikong bumukas ang glass door. “You may come in, Mrs. Vasiliev.” Ngumiti si CT at pumasok na. Pagpasok niya ay nakita niya ang asawa niya na nakatayo at nakatalikod.

