Nakangiting naglalakad si CT papunta sa labas ng opisina. Hapon na kasi at may ginagawa pa si Dos. May meeting pa ito. Balak niyang umuwi nang maaga para ipaghanda ito ng pagkain. Paglabas niya ng building ay pumunta siya sa waiting shed sa unahan upang maghintay ng taxi. Umupo muna siya nang makitang punuan ang bawat taxing nakikita. Kinuha niya ang cellphone niya at may text ang asawa niya. From: Dos “Take care, love u” Napangiti si CT at ibinalik ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Umayos siya sa pagkakaupo at napangiti nang may taksing huminto sa tapat niya. Sumakay siya roon at sinabi ang location niya. May kasama pala siya sa loob. Tiningnan niya ito at nanigas sa kinauupuan. Nanlalaki ang mga mata niya at hindi maigalaw ang kaniyang katawan, ramdam niya ang malamig na

