Nakatingin lamang si CT sa dumadaang sasakyan. Nagpaalam siya kanina kay Dos na may pupuntahan lang siya. Umaasa siyang makikita niya roon ang binata. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa lugar kung saan siya dinala ni Jair noon. Natigilan siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang binata na nakasakay sa motor nito at malayo ang tingin. Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Naglakad siya palapit dito. “Jerome,” tawag pansin niya sa binata. Napalingon ito sa kaniya at gulat na gulat. “C-CT,” ani niya sa gulat na boses. Halatang hindi nito alam ang sasabihin. “W-what are you doing here?” tanong nito. “P-puwede ba kitang makausap?” ani CT sa binata. Nakatingin lamang ito nang deritso sa kaniya. Alam niya ang mga tinging iyon. Iyon ang mga tinging mat

