Ariane “Ariane tirik na tirik ang araw bakit ganiyan ka?” nakayapos pa nga siya sa sarili niya. Typical Lucas. “Ayaw mo bang gawin sa umaga?” malanding tanong ko sa kaniya. Mas lalo siyang nataranta at bahagya pa ngang namula ang pisngi niya. Pero kailangang pgilan ko ang pagtawa ko. “A-ariane huwag ka magbiro ng g-ganiyan,” lumunok pa nga siya. Inilapit ko naman ang mukha ko sa kaniya dahilan para mapapikit siya. “Rawr!” usal ko na ang kasunod ay malakas na tawa. “HAHAHAHAHAHAHA PUTCHA KA LUCAS HINDI AKO SA REZELLE, YUNG MUKHA MO MUKHANG NAKAKITA NG MAYAKIS NA BABAE HAHAHAHAHA.” Tumatawa pa rin akong sumandal sa kinauupuan ko. Nang tingnan ko si Lucas ay kunot-noo siyang nakatitig saakin. “Hindi siguro maganda ang agahan mo no?” Natahimik naman ako saglit sa naging tanong niya

