Ariane “At your service,” nakangiti naman niyang sagot at sumaludo saakin. Tumayo ako at patakbong lumapit sa kaniya sabay yakap. Mahigpit niya naman akong niyakap pabalik. “Walang hiya ka. Tinotoo mo talaga yung sinabi ko,” mahina ko pang hinampas ang likod niya. “Of course. You’re the one who suggests it,” natatawa niya namang sagot. “Payag ka niyan Ate Lalaine? Kapag boyfriend ko niyakap ng ganiya kakalbuhin ko talaga yung babae.” Napahiwalay naman ako kay Lerdine agad nang marinig ang sinabi ni Devon at napatingin ko sa babaeng katabi niya. Wala sa sarili ko siyang Itinuro sabay tingin kay Lerdine. “Is she the lucky girl?” tanong ko at nakangiti namang tumango si Lerdine. Kaya napangiti ako at tiningnan siya. Siniko ko naman si Lerdine saby bulong, “Ipakilala mo naman ako, ju

