Ariane Hawak-hawak na naman ni Cameron ang aking kamay habang nagmamaneho siya. Akala niya ba tatalon ako sa bintana? Ewan ko na lang talaga. Kakatapos lang ng duty namin at inaya niya akong lumabas, tatanggi pa sana ako dahil nga mainit pa ako sa mata ng mga chismosa. Pero nang makita ko ang mga paper bags na nasa backseat na naglalaman ng damit at wig ay hindi na ako nagsalita pa, sumama na ako sa kaniya. Nababagot na rin kasi ako nitong mga nakaraang araw puro trabaho at sa bahay lang ang napupuntahan ko kasi hindi pa rin ako binibigyan ng trabaho sa field. Puro sa loob ng kompanya lang, kahit pa may photo shoot na naka-assign sa akin ay pinapakiusapan nila ang mga client na magpunta na lang sa kompanya namin, para doon maganap ang pictorial. Nakapagbihis na ako kanina, ayaw ko nama

