Ariane Nakatitig na ako ngayon sa kisame ng aking kwarto habang dinadama ang mainit na bagay sa puson ko. Nagha-hot compress kasi ako para kahit papaano ay maibsan yung sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos namin maghapunan kanina ay halos ipagtulakan ako papasok sa aking kwarto ni Cameron para daw maaga akong makatulog at makapagpahinga. Mabuti na lang at masarap yung luto niya kanina at marami akong nakain, mapili kasi ako sa pagkain kapag may dalaw. Pakiramdam ko kasi mas lalong sumasakit ang puson ko kapag hindi ako nakakakain ng maayos. Natigil ako sa pagtitig sa kisame nang may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto. “I know you’re still awake, can I get inside?” rinig kong tanong ni Cameron. I curled up facing the window that was on the opposite direction of my room’s door.

