Ariane 10 am na nang gumising ako, siyempre Sabado ngayon kaya naman hindi ko na kailangan gumising ng maaga. Tila hipon akong naglakad patungo sa pintuan, ramdam ko pa rin kasi ang sakit puson ko kaya naman nakaluktot pa rin ang katawan ko habang naglalakad. Pinihit ko pabukas ang pintuan at naidikit ko ang katawan ko sa frame ng pintuan nang bumungad sa akin ang nakaupong si Cameron na nasa sofa ng living room. Tumagal ang titig ko sa kaniya ng ilang segundo. “Good morning,” nakangiti niyang bati. Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon bago nagmala-kidlat na tumakbo papasok sa banyo. Mabuti na lang at may bathrobe ako dito sa loob kaya hindi ko kailangang mangamba kapag natapos na ako sa pagligo. Sa kabila ng mga nangyari ako tila unti-unti na ring nanumbalik yung saya ko, kahit papaano m

