Ariane Hindi na ganun sa kasakit sa balat ang sinag ng araw nang lumabas kami sa likuran ng bahay namin. May bitbit akong pritong saging at si Cameron naman ay nagdala ng dalawang unan at isang kumot. Napagdesisyunan kasi namin na mag-picnic sa likuran ng bahay namin. Bakit? Nag-aya kasi si Cameron kanina na mamasyal at kumain kami sa labas buong maghapon, pero dahil may lakad ako mamayang 6 pm ay malungkot ko siyang tinanggihan. Uuwi na nga sana siya dahil sa naging sagot ko sa kaniya pero bigla kong naalala na may mga saging pala kami dito sa bahay na pwedeng lutuin. Nakagawian kasi ni Mama na bumuli ng maluluto niyang saging dahil napagtanto niya na mas makakatipid kami kung kami na lang mismo ang magluluto kaysa bumili pa kami sa kapit-bahay. At dahil nga wala ngayon si Mama dito

