Ariane “Patayin niyo yan…” Sambit ko at iniba ang posisyon ko sa pagtulog. Kitang natutulog pa yung tao ang ingay na ng cellphone. Ang lakas naman ‘ata ng alarn ng kapit-bahay namin. Napakunot naman ang noo ko nang mapagtantong pamilyar ang ringtone nito. WAKE UP UGLY b***h! WAKE UP UGLY b***h! WAKE UP!!! Napatili ako nang hindi pa rin tumigil ang tunog ng alarm clock na nanggagaling pala sa aking cellphone. Tanginang ringtone ‘yan. “Sino ba kasing nag-alarm?!” sigaw ko nang makaupo ako. Idinilat ko ang pagod kong mga mata at natagpuan ko ang sarili sa loob ng aking kwarto. Tamad kong inilibot ang paningin ko sa tahimik kong kwarto, kinamot ko ang ulo ko na para bang inaalala kung anong nangyrai bago ako makatulog pero patuloy pa rin akong sinasapian ng antok kaya nagtangka ulit

