25

3278 Words

Ariane Kulang nalang lumundag si Mama kagabi nang nakita niya inihatid ako ni Cameron. Panay pa nga ang pagkaway at pag-thumbs up niya kay Cameron nang bumati ito sa kaniya. Hindi halatang botong-boto ah. Pati na rin sa hapag-kainan panay ang pagbibigay niya saakin nang malisyosang tingin. Kaya nga hindi ako nakapaghapunan ng maayos kagabi. Dahil naiilang ako sa tingin ni Mama na kulang nalang hubaran niya ako. Linggo na ngayon at nakatitig pa rin ako sa kisame. Nakabihis na ako pero hinihintay ko pa rin na tawagin ako ni Mama. Nakasuot ako ng puting dress na hanggang tuhod at flats lang na sapatos ang suot ko. Magsisimba kami ngayon, kahit paminsan-minsan lang dahil sa busy na schedule ni Mama ay ginagawan pa rin niya ng paraan. Nakagawian naming magsimba dati ni Papa nung nabubuhay pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD