Ariane Nang ini-on ko ang aking cellphone ay agad itong nag-ring. Tumambad ang pangalan ni Maxine sa screen. Napabuntong-hininga ako bago ito sinagot. Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya. Napakagat naman ako sa labi ko nang dumaan ang ilang minuto pero wala pa ring nagsasalita. Baka galit saakin si Maxine, lalo na’t hindi ako tumulong sa paggawa nung report na kailangan naming ipasa. Hays. “H-hello?” napatikhim pa nga ako. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. “Hindi ka pa rin papasok ngayon?” napapikit naman ako nang marinig ang malditang tono ni Maxine. “Papasok ako, t-tatawag na nga sana ako eh naunahan mo lang ako,” pagpapalusot ko naman. Sa totoo lang wala naman talaga akong plano na pumasok ngayon, parang gusto ko paghapon uling humilata at matulog dito sa bahay. “You’

