Ariane Tila napagod rin ako habang pinapanood ang doctor at nurses na ichini-check ang vitals ni Rezelle na hanggang ngayo’y halata pa rin sa kaniyang mukha ang pagkairita dahil sa pinaggagawa ng mga doctor sa kaniya. Simula pa kagabi nung gumising na siya ay hindi na siya tinatantanan ng mga doctor, maya’t maya ang pagche-check sa kalagayan niya. Mabuti na lang at walang naging komplikasyon ang katawan niya. Kahit pa may benda siya sa ulo ay feel na feel niya talaga na parang korona lang ang nakapatong sa kaniyang ulo. “Alam ko namang maganda ako pero ayaw ko lang talaga sa mga pinaggagawa nila sa akin,” pagmamaktol ni Rezelle nang makalabas na ang doctor na nag-check na naman sa kaniya. Pabiro ko naman siyang inirapan. “Hindi ka pala natablan ng ilang araw mong tulog isama mo pa ang

