ARIANE Agad akong ginising ng pagkirot ng aking ulo. Nakapikit pa nga akong gumulong-gulong sa kama ko. Napatigil ako ng mapansing naging mas malambot ang kama ko, mas naging mabango rin. Siguro pinalitan ni Mama ang bed sheets at pati na rin punda ng mga unan ko. Sandali kong dinama ulit ang hinihigaan ko. Iba talaga sa dati kong higaan eh. Sinubukan ko pa ngayang ilundag-lundang ang katawan ko sa higaan habang nakahiga pero napatigil rin ako nang naramdaman kong kumirot ulit ang ulo ko. Ano ba kasing ginawa ko kahapon at ganito kasakit ang ulo ko? Umattend lang naman kami ni Cameron ng kasal dahil pinakiusapan siya ng dating kaklase at kaibigan niya na maging photographer. Walang humpay na pag-click ng camera lang ang ginawa namin buong araw kahapon. Tapos nang dumating ang dapit h

