17

2154 Words

Ariane “Wala ka bang plano lumabas?” Nilingon ko ang kasama ko ngayon sa kotse. Kanina pa kasi siya tanong ng tanong kung kailan ako lalabas sa kaniyang kotse. “Wait lang ha, natatakot pa rin kasi ako kay Mama,” sagot ko naman. Napatingin na lang sa siya sa kaniyang wrist watch at napabuntong-hininga. “Time is running, Ariane.” Napalunok ako, nakakahiya dahil nakakaabala talaga ako sa lakad namin. Napakagat labi ako bago napabuga ng bonggang hangin. Ay. Hindi pala ako nakapag-toothbrush. Pa-simple kong hinawakan ang bibig ko. Kailangan kong lumabas at harapin si Mama, isa pa wala naman akong masamang ginawa. Aksidente lang naman akong nakainom. Isinukbit ko na sa kaliwang balikat ko ang shoulder bag na dala ko at binitbit ko na rin camera. Pinihit ko na pintuan ng kotse pero kumunot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD