70

2395 Words

Ariane Maaga akong nagising at una kong tiningnan ang aking cellphone, nagbabakasakali na may iniwang text si Rezelle. Pero napabagsak lang ang balikat ko nang wala akong nakita. Napatingin ako sa bintana ng kwartong kinalalagyan ko at napansin kong hindi pa pala sumisikat ang araw. Bumaba ako sa aking kama at pinulot ang gamit kong kumot tsaka ito ibinalot sa aking katawan bago ako nagsimulang maglakad papalabas sa aking kwarto pero bigla akong napabalik sa aking bag upang kunin ang aking camera at tuluyan na ngang lumabas sa kwarto. Tahimik at madilim pa ang paligid kaya sinubukan kong hindi gumawa ng ingay dahil madidisturbo ko ang mahimbing na tulog ng mga kasama ko dito. Maingat kong inihahakbang ang mga paa ko patungo sa balkonahe, napatingin naman ako sa paanan ko nang may biglang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD