Ariane Nakaharap ako ngayon sa aking laptop kasama si Cleo, kakatapos lang naming magbihis at kumain dahil galing kami sa isang fashion show ng mga disenyo ng kaibigan ni Mr. Barbhy, isa rin kasi si Cleo sa mga napiling model na magsusuot ng mga damit. Ngayon, pinipili namin yung mga litratong ibibigay namin kay Ms. Robin at mga litratong gustong i-upload ni Cleo sa kaniyang Inisagram. Binigyan kami ng pahinga ni Ms. Robin ngayong hapon hanggang bukas ng umaga dahil bukas na ng gabi magaganap ang closing party ng fashion week. Lumipas na ang apat na araw, at sa loob ng apat araw marami kaming mga nasalihan na fashion show at nagawang mga documentary para sa mga naka-schedule kay Cleo. Pagkatapos nung unang fashion show ni Cleo ay binili niya nga ang damit at sa tingin ko isusuot niya it

