Ariane May malaking ngiti na nakapaskil sa labi ko dahil sa saya ng paglilibot namin. Nagpunta kami sa iba’t ibang tindahan at kainan para kumuha ng mga litrato. Siyempre tumikim rin kami ng pagkain kaya naman si Ariane ay enjoy na enjoy. Paminsan-minsan naman akong sumusulyap kay Rezelle na panay ang pag-irap kapag nahuhuli niya ang mga tingin ko. Well, nag-aalala pa rin ako. Slight. “Malapit nang magsimula ang parade. Anong plano niyo?” Napatingin naman ako sa wrist watch ko nang marinig ang sinabi ni Harper. Malapit na nga mag-alas nuwebe. Dumadami na rin ang mga tao sa mga kalye. Naghihintay na magsimula na ang parade. Kaya mas mabuting humanap na rin kami ng puwesto. “Mas maganda siguro kung maghiwalay tayong tatlo na kumuha ng litrato. Kung lagi tayong magkasama, magkakapareho la

