Ariane “The three of you are assigned to get some photos today during the biggest festival in our town.” Nagkatinginan naman kaming tatlo. Kakapasok pa lang namin sa building pero hinarang na kami ni Layna sa lobby. At sinabi saamin ang masayang balita. Siyempre kilala sa buong bansa ang lugar namin pagdating sa fiestang ginugunita dito sa lugar namin. Hindi man ganun kalaki ang siyudad namin pero engrande talaga kapag nagpapa-fiesta. Simula pa nung bata ako ganito na ka engrande, mapasino man ang namumuno ay naging tradisyon na talaga ang ganitong fiesta sa siyudad namin. “May I ask bakit kaming tatlo? Pareho kaming baguhan at walang alam kung saan magsisimula,” tanong ni Maxine. Tama nga naman. Isang malaking event ang ini-assign saamin kaya medyo nakaka-pressure din lalo na’t wala k

