Devon I was shocked to death when I arrived at Ariane’s house. Nagkalat ang kaniyang dugo sa sahig kung saan siya nakaupo, nakatitig siya sa TV nang hindi kumukurap. Siya agad ang naisip kong puntahan nang makita ko ang isang live ng friend ko tungkol sa aksidente, wala pa ang mga reporter nun kaya naman may oras pa ako para puntahan si Ariane. She’d been through a lot and what just happened is too much for her to handle. Para siyang bangkay na humihinga sa tuwing tinititigan ko siya. Wala siyang kibo sa kalagayan niya, marami-rami rin kasing dugo ang nawala sa kaniya. When I asked her what happened to her ay wala talaga akong nakukuhang sagot, kahit na simpleng pagtango man lang ay hindi niya magawa. Lagi na lang siyang nakakatitig sa kawalan. Napagdesisyonan ko na dalhin siya sa pina

