Ariane “Sabog ka ba?” hindi maipinta ang mukha ko nang marinig ang sinabi ni Lucas, kung ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig ng lalaking ‘to. “Kumakanta kaya ako, na LSS ako sa kantang pinili ni bayaw para sa handaan mamaya. Gusto kitang isayaw ng mabagal, hawak kamay pikit mata sumasabay sa musika ah ahhh Gusto kit—“ “Shhhhh tama na Lucas, baka umulan,” pigil ko sa kaniya at natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Nakarating kami sa isang kwarto sa may likuran ng simbahan, nandun ang bride na inaayusan ng mga stylist for final touches. Ang ganda niyang tingnan sa see-through na sleeves ng gown niya at syempre bagay na bagay sa kaniya ang damit na para bang dinisenyo ito para lang sa kaniya, turtle neck ang gown kaya wala masyadong balat ang makikita. Conservative ‘ata ang pamilya nito

