Ariane Panibagong araw, panibagong trabaho. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung pagkain namin ni Cameron sa may karinderya malapit sa dati naming eskwelahan. At normal na naman yung pansinan namin, ka-trabaho as always. Naging busy na rin kami sa mga iilang photo shoots na pinupuntahan namin, na pinagpupuyatan naming i-edit at e-enhance kasi iyan yun sa duty namin, kami ang kumuha ng litrato kami rin ang mag-eedit. Dalawang linggo ko na rin gustong maka-usap si Lerdine, gusto ko sanang tanungin kung pwede ba na magsagawa kami ng free workshop about photography sa bayan. Maraming mga may potential pero hindi lang nila alam, hindi pa nila nasusubukan at isa pa kailan lang ko lang nalaman ng iilang estudyante nalang ang nag-eenrol sa ganitong kurso. Pero hindi ko talaga matyempoha

